Jhake Vargas, tagilid kay Joshua Dionisio!

MUKHANG LLAMADO NA si Joshua Dionisio sa puso ni Barbie Forteza ngayon pa lang. At tagilid naman si Jhake Vargas na ka-love triangle nila sa First Time.

Makaapekto kaya ito sa ratings ng youth-oriented teleserye na nagtala pa naman ng napakataas na rating sa unang Linggo nila sa ere mula sa AGB Nielsen?

Wala pa naman si Jhake sa press visit na ginanap noong Biyernes sa Palacio de Manila along Roxas Boulevard. Nagre-reklamo tuloy ang mga maka-Jhake at sabi’y sinadya yatang hindi bigyan ng sked si Jhake para sina Joshua at Barbie lang ang ma-interview ng bumisitang movie press people.

Halata rin sa interview ni Barbie na mas kasundo niya si Joshua, dahil lagi silang nag-uusap, samantalang nasa malayo si Jhake at nalulungkot. Pati Mommy Che-Che ni Joshua at Mommy Amy ni Barbie ay magkasundong-magkasundo rin. Magkatabi rin sila pareho at mukhang tuwang-tuwa dahil pasikat na nang pasikat ang mga anak nila. Totoong usap-usapan na nga ang love team ng dalawa. Kahit ilang ulit sabihin ng Mommy Amy ni Barbie na hindi pa puwedeng ligawan ang kanyang anak, iba naman ang sinasabi ng body language ng 12-year old niyang dalagita.

“Gusto ko kay Joshua ang pagiging makulit niya,” aniya nang simulang interbyuhin. Inamin din niya na niregaluhan siya ni Joshua ng isang mamahaling relo na tatak Tomato. “Siyempre, may regalo rin ako sa kanya. Comforters.”

Galing Divisoria?

“Naku, hindi po!” Biglang sagot ng dalagita. “Medyo mahal naman po!”

Lalong defensive si Barbie nang mapunang hindi niya suot-suot ang relo nang mga sandaling iyon. “Pinaalis po muna ng stylist namin dahil hindi katerno ng pink kong damit. Pero promise, suot-suot ko po kanina.”

Napangiti naman ang 15-year old na si Joshua. Natuwa sa pagtatanggol ni Barbie sa kanyang regalo.

Masayang-masaya nga raw ang GMA-7 sa resulta ng first week nila. Kaya, nai-inspire si Direk Andoy Ranay at co-stars nilang sina Bayani Agbayani, Joross Gamboa at Mel Kimura. Nakatitiyak silang mae-extend pa ang 14 weeks nila sa ere.

Sa kabilang dako, nakakantiyawan naman si Kuya Germs (Moreno) dahil tagilid nga ang alaga niyang si Jhake kay Barbie. Bakit daw hindi ihanap ng sarili niyang partner ni Jhake.

“Hindi pa puwede,” sagot niya. “Ganu’n kasi ang roles nila. Crush ni Jhake si Barbie, samantalang ang crush naman ni Barbie ay si Joshua. ‘Wag kayong mag-alala at pagkatapos ng First Time, ihahanap ko na ang alaga ko ng sarili niyang partner.”

Ang problema ay may nabuo na ring Barbie-Jhake Fans Club, tulad din ng Barbie-Joshua love team. Ilalaban din daw nila ang kanilang mga idolo. Naiku-compare naman ng mga beterano’t beterana na parang Nora Aunor, Tirso Cruz III, at Edgar Mortiz ang nangyayari sa career ni Barbie ngayon. Wala pa rin kasing boobs si Nora nang itambal siya kay Tirso. Ganu’n din si Barbie, hindi pa yata nagsusuot ng bra. Hindi pa kailangan.

Ang eksena nga palang kinukunan nang hapong iyon ay isang bonggang party. Ginagastusan talaga ng Kapuso network. Laging big scene. Ang bobongga pa ng location. Pagkatapos ng beach scenes sa San Antonio, Zambales, Palacio de Manila naman.

Kaabang-abang ang love triangle na ito, kung tutuusin. Basta patatalo na lang ba si Jhake? Aba’y ayaw ni Kuya Germs ng ganyan!

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

10 thoughts on “Jhake Vargas, tagilid kay Joshua Dionisio!

  1. they can be effective in controlling pain and speeding up recovery from injuries
    or muscle and joint. This revolutionary orthopedic device, called The Turtle, treats lumbar pain while providing tremendous relief
    in minutes. For this reason it really is good to call at your
    physical therapist whenever you have pain in these areas that go on for longer than 1-fourteen days.
    Men with kidney stones usually experience
    pain in the back, flank, or abdominal region which could be
    connected with an elevated urge to urinate, burning with urination, or nausea.

    my homepage … Back pain [Catalina]

  2. ang panget mo joshua ang laki ng ilong mo ang dami mong digyawat ang taba mo butipa si jhake maganda ang katawan cute at pogi pa nayayamot ako kay joshua ang maganda lang kay joshua mata kay jhake lahat mata katawan labi buhok ilong at ang dimpol basta lahat ang cute mo ang pogi mo pa jhake bagay kayo ni barbie pwede kayong pangalangan ng jhabie ang ganda bagay na bagay kay sa joshbie ang panget pangalan ng aso ang pogi mo daw mas kamuka monga si dingdong dantes kay sa kay joshua at may kamuka kapa hanapin mo sa youtube ilagay mo
    kimbum

  3. palipatin nalang c jhake sa abs.. mas bagay na cia ung bida.. saka mas mukang pang third party contrabida yang c joshua.. diba un ang mga roles nya dati nung bago cia nalaos sa abs..
    pero kung stay c jhake sa gma mukang pagtagal eh mas magiging sikat cia kesa dyan kay joshua.. mas bagay ang jhake-barbie .. nabigyan lang tong c joshua ng break dahil mas may exp cia kay khake dahil galing na nga cia ng abs..

  4. ayan na naman, ginagawan na naman ng kahayupang angulo at kinukunsinti pa ng mga magulang. maliwanag na sinasabing hindi pa o di pa gumagamit ng bra at ibebenta na.

    ano kaya ang magiging impak nito sa mga kayulad nilang kabataan.

    PAGING BANTAY BATA

Leave a Reply

Your email address will not be published.