Jhake Vargas, bet ni Kuya Germs pasikatin!


TRAILER PA LANG ng First Time ay napansin na si Jhake Vargas. Siya ‘yung ka-love triangle nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza sa teen drama na uumpisahang ipalabas ngayong gabi sa GMA-7.

Siya pala ang bagong talent na mina-manage ni Kuya Germs (German Moreno). Napag-alaman natin kay Kuya Germs mismo nang interbyuhin natin noong Sabado sa taping ng 14th year anniversary ng Walang Tulugan (dating Master Showman) na kahit madaling-araw ang slot ay dinudumog pa rin kahit taping pa lang at lalo na kung live ang telecast.

Na-impress diumano si Kuya Germs kay Jhake, dahil tinitilian na ito ng mga fans kahit baguhan pa lamang. Hindi tuloy siya nagdalawang-isip na i-rekomenda ang bagets sa Artist Center. Pina-audition agad ito sa ipalalabas noong Stairway to Heaven. Agad din itong nakapasa at binigyan ng role bilang Tristan (batang TJ Trinidad). Muli, napansin ang 16-year-old na bagets mula sa Subic, Zambales at isinalang uli sa Dear Friend. Kasama pa rin sina Joshua at Barbie at love triangle uli. Tingnan n’yo nga ‘yan, nagkaroon agad siya ng pangatlo at ito nga ang First Time. Siyempre, ka-love triangle pa rin niya ang nakilala ring Cholo at Jodi sa Stairway to Heaven.

Nasabi tuloy ni Kuya Germs na hindi siya nagkamali kay Jhake. Three shows in a row is not bad at all. Nangangahulugang Jhake has got what it takes to be a BIG STAR.

Si Jhake na nga ang bet ni Kuya Germs for bigtime stardom this year!

Masarap ding interbyuhin ang bagong talent ni Kuya Germs. Sa umpisa lang ‘yung hiya-hiya effect at ilang-ilang effect. Pati tulala effect dahil nagulat sa mga tanong na hindi inaasahan. Tanungin ba naman siya ng kasama kong si Eddie Littlefield, kung virgin pa siya sa edad niyang 16?

“Kailangan po bang sagutin iyon?” Nahihiya niyang tanong.

“Nagkaroon na po ako ng 6 (anim) na girlfriends since I was 13 years old, pero hindi ko inisip na gawin iyon, dahil sobra naman kahit isipin lang. Ang bata din po nila, tulad ko. Kahit po nitong mag-16 (y/o) at medyo mature-mature na, hindi ko rin po ‘yon ginawa sa girlfriend ko. Konting kiss lang po sa pisngi, ayos na. Actually, nag-break na rin kami. At iisa po ang dahilan ng mga break-ups ko. Nagiging busy ako sa showbiz skeds ko at nagtatampo sila, dahil hindi ko raw sila nabibigyan ng time. In short, virgin pa po ako,” sa wakas ay nasagot niya ang tanong.

Crush niya si Barbie, pero, naiilang siyang kausapin ito lagi. “Baka po kasi magalit ang fans nila ni Joshua. Tumitingin na lang po ako kay Kim Chiu na crush ko rin. Nag-aalala din po ako na baka magalit din sa akin ang Kimerald(s). Crush lang naman po. Pati nga po si Angelica Panganiban ay type na type ko. Palagay ko naman, hindi na magagalit sa akin si Derek Ramsay na isa sa paborito kong aktor. Ganu’n din po si Robin Padilla.”

Isa pang idol ni Jhake ay si Megastar Sharon Cuneta na linggo-linggo niyang pinapanood sa Sharon sa Kapamilya Network.

“Lagi po akong tumatabi sa mommy ko dahil linggo-linggo niya ring tinututukan ang Sharon. Memorized din po ng mommy ko ang guests ni Sharon tulad nina Chokoleit, Tom Rodriguez ng PBB Double Up, at ang Side A Band noong Linggo.

“Alam din po niya na next week ay guest sa episode nilang “Pahiram ng Hit Mo” sina Bituin Escalante, Jessa Zaragoza, Eva Eugenio, Cookie Chua at Aiza Seguerra.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

5 thoughts on “Jhake Vargas, bet ni Kuya Germs pasikatin!

  1. c jaya nanonood ng asap..
    unang hirit nanonood umagang kay ganda..
    ito nmang anothe kapuso avid ng kapamilya show,sharon!
    dyan natin mkikita na astig tlga ang abs-cbn!!!

  2. c nanonood ng asap..
    unang hirit nanonood umagang kay ganda..
    ito nmang anothe kapuso avid ng kapamilya show,sharon!
    dyan natin mkikita na astig tlga ang abs-cbn!!!

  3. Infairnez cutie 2ng c jhake v.,pag naalagaan 2 bka my mapnthn pr0 kgya ng iba hnd kc cla mrun0ng mgpasikat jan sa gme until n0w sandamakmak ang starlet stars jan,as is 0ver cr0wded ng mga starlet…hihihi

    Grbeh natawa nmn ak0 nung cnb niang ptingin tingin nlng c jhake kay kimmy at crush n.ia tlga.,hihi at take n0te kila2 nia ang mga kimeralds.,hehe3 at aware dn cia na bka mglit ang mga it0,,grbeh ha kapus0 pr0 ang mga hnhangaan eh mga kapamilya parang naka2hya nmn un…haha3 at balita k0 isa c jhake sa nan00d ng PNK….HA3 di k0 lng alam if sa premiere night 0 ung regular sh0wing…hehe3

    Gudlck jhake sa karir m0 at gudlck dn kung mkalus0t ka ky papa gerald…hehe3

  4. starlets ng gme idolize d kapamilya stars hihi.. Uy db dami mgaganda daw jan s gme? Ayaw ni galvantot ng ganyan haha..!

  5. da who? Di porke mdming shows e sikat na haha! Tingnan nyo s gme dami shows ng starlets don pero til now eh mga “unknowns”. Hihihi

Leave a Reply

Your email address will not be published.