Jewelry shop ni Richard Gutierrez, nilimas ng kapatid

NILIMAS ANG MGA alahas sa tindahan ng kapangalan ni Richard Gutierrez ng sariling kapatid at kapitbahay ng huli sa Malabon City kahapon ng umaga.

Nadakip naman si Francisco Bunquin Jr., nasa hustong gulang habang pinaghahanap naman si Darryl Gutierrez, 24 na magkapitbahay sa Libis Talisay, Caloocan City.

Aabot sa P550,000 ang natangay sa biktimang si Richard Gutierrez, 30, ng Whispering Subd., Llano, Caloocan City .

Sa pahayag ng saksing si Roderick Mondido, 43, traffic enforcer, alas-5:30 ng umaga, nilapitan siya ng isang tindero ng diyaryo at sinabing bukas ang tindahan ng alahas ng biktima na RL Gutierrez sa M. H. Del Pilar, Santolan ng lungsod.

Dahil dito pinuntuhan ni Mondido ang tindahan at nakita sa labas si Bunquin habang nasa loob na si Darryl.

Nang sitahin ay sinabi ni Darryl na may pinakukuha lang ang kanyang kapatid at dahil sa ka-kilala rin ang mga suspek ay hinayaan na lang ito ni Mondido.

Makalipas ang ilang oras ay nabalitaan ni Mondido na napagnakawan ang tindahan na naging dahilan upang magpunta sa presinto upang magbigay ng pahayag.

Sa isinagawang follow-up operation, nadakip si Bunquin habang nakatakas si Darryl dala ang mga alahas.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.