Jewel Mische, tanggap ang pagiging “GF sa dilim” ni Richard Gutierrez? – Gorgy’s Park

ABALA NGAYON SINA Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa malaking project na binubuo nila.

Ito ‘yung Kaya Natin Ito benefit concert na gagawin nila sa November 14 sa Araneta Coliseum

Hindi ko lang nakumpirma, pero ang latest na narinig ko, ililipat na raw nila ito sa December 5 dahil ayaw na nilang sumabay sa malaking concert din nina Kate Perry at David Archuleta sa November 14 din na gagawin naman sa SM Mall of Asia.

Pero talagang nagkakaisa rito ang mga OPM artist kaya malaking show ito na ang pakay ay para sa mga nabiktima ng bagyong Ondoy at pati na rin itong sa Pepeng.

Meron pang ginawa si Ogie na awiting “Kaya Natin Ito” na kakantahin nilang mga OPM artist at kung matutuloy, bukas na raw sila magre-record.

Mala-”We Are the World” ang drama nila rito dahil sa panahon ngayon ay kailangan daw magtulung-tulong para muling makabangon sa trahedyang sinapit ng ating mga kababayan.

[ad#post-ad-box]

May mga commitments pa si Ogie sa ibang bansa kaya ang abala sa pag-asikaso nito ay si Regine na siyang tumatayong producer nito.

Mabuti nga’t okay na raw ngayon si Regine dahil nitong mga nagdaang araw ay naging masasakitin din ito dahil sa matinding migraine na umatake sa kanya.

“Medyo unbearable lang ngayon kapag inaatake siya ng migraine kaya minsan dinala ko siya sa hospital dahil hindi na niya kaya ang sobrang sakit ng ulo. But she’s okay now. Kasi ang dami pa niyang gagawin,” kuwento ni Ogie.

Ang dami pang mga benefit show na ginagawa ngayon para makapaglikom ng sapat na halaga na ibibigay na tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Very high ang spirit ngayon ng mga artist na tumulong para pagdating naman ng Pasko, masaya na sana ang lahat.

TALAGANG HINDI NA pinatulan nina Richard Gutierrez ang isyung nangyari sa airport ng Cebu Pacific nung umalis sila ni Jewel Mische patungong Kuala Lumpur.

Pati si Jewel ay tahimik na rin at pati nga mga taga-GMA Artist Center ay hindi ito sinasagot dahil ayaw na talaga nitong magsalita tungkol sa isyung iyun.

Very visible ngayon si Richard sa promo ng Patient X na magsu-showing na sa October 28, pero tungkol sa mga multo na nagpakita sa shooting nila ang pinag-usapan at dedma talaga iyung insidente sa Cebu Pacific.

Iyun nga naman ang mabisang paraan para hindi na lumaki ang isyu, dedmahin na lang at huwag nang pag-usapan.

Ang Cebu Pacific ay tahimik din dahil base sa pag-analisa namin sa mga pangyayari, mukhang may pagkukulang din sila.

Masusundan pa kaya uli ang biyahe nina Richard at Jewel?

In fairness, parang mahal talaga nila ang isa’t-isa dahil tahimik lang sila at iniiwasan nilang mapag-usapan ito.

Ang mahalaga naman masaya sila sa kanilang relasyon at labas na iyun sa showbiz career nilang dalawa.

Sana naman mabigyan ng magandang project si Jewel para hindi lang tungkol sa relasyon nila ni Richard ang kinakalkal dahil tanggap naman siguro nitong para na siyang ‘girlfriend sa dilim’ ng aktor.

By Gorgy’s Park

loading...

13 thoughts on “Jewel Mische, tanggap ang pagiging “GF sa dilim” ni Richard Gutierrez? – Gorgy’s Park

  1. kaya ayaw pag usapan kc nkakahiya pra wlang modo c rg my pinagmanahan kc dahil kung hindi 22o super talak na2man un mader nia …tsaka sana di itago kun cno man ang g.f nia prang panloloko nrin un sa mga fans nun my movie cla ni kc super swit switan my gf pla sa dilim..wawa jewel

  2. Sa isyu ni Richard G. sa Cebu airport ay isang katangahan…they have been traveling for almost every month going out to different places and even countries they should know na THEY SHOULD BE AT THE AIRPORT 2 HOURS BEFORE THEIR FLIGHT besides sa pagiging artista mo baket sino kba para antayin ng eroplano?malay natin mga ilang minuto na ang kanilang eroplano kakaantay sa mga hinayupak,at nakaka abala na sila sa ibang pasahero para lang antayin sila.Kaya sa uulitin Chard magbasabasa ka,may itsura ka pero minsan may katangahan din…use ur head Boy!!!

  3. GMA will never stop remaking the old movies even teleseryes kc wala na silang maisip na istorya.Pag lumipat na si MARIANNE RIVERA sa kabila in some future time asahan niyo ibabalik na naman ng GMA ang DARNA AT DYESEBEL!

  4. di na kayo nasanay sa mga gutierez.. uhaw at sabik yang mga yan sa publicity.. kung baga eh ngayon lang naman nagkapera yang mga yan.. di ba bomba star na di sumikat si anabelle nung araw kaya ugali hangang ngayon pang bomba star pa rin.

    true, sinisira lang ng gma ang mga magagandang pelikula nung araw by making them remake sa tv. lalo na yung mga gumaganap na bida at mga kontrabida dyos mio.

  5. KAYA HINDI LUMAKI YANG ISSUE N YAN KC WLA NMANG PRUWEBA NA MAY NANGYARI WLANG VIDEO WLANG PICTURES………ASAN ANG EBIDENSYAAAAAAAAAAA?????????????

  6. Basta gawang GMA ginagago talaga ang viewers nila

    Marimar! Kung saan saan napunta ang kuwento! Dyesebel, kaengotan sa lahat ng kaengotan! Totoy Bato, mga staff mismo sinusuka ito, Zorro, the robot kabayo, Tadyang, kulang isang oras na litanya sa basurang seryeng ito! All About Eve, isa pang walang kwenta. Rosalinda, sarap pag untugin ang mga banong bida at ang pinaka OAng kontrabida. Darna, kahit di mo panoorin ng isang buwan pag balik mo parang wala kang na miss dahil paulit ulit ang eksena. Darna na walang powers, darnang iyakin. Mas marami pa yung posing nya kesa mga real stunts!

    Sa ABS lang may mga kwentong may kabuluhan, mula Katorse hanggang Dahil May Isang Ikaw, wala kang itatapon

    Ang ganda ng chemistry ng tatlong bida ng Lovers in Paris. Sa dramatic moments ni KC maiiyak ka dahil simple ang pag iyak, galing sa puso hindi galing sa bunganga na ginagawa ni Marian Rivera. Buti sana kung di nakakairita ang boses eh boses parang sinipa na lata! Gusto ko akting ni KC katamtaman lang at hindi OA.
    At sa version ng pinoy, may love triangle talaga dahil kikiligin ka rin kina Zanjoe at KC

    Ang akting nina Chinchin, Gabby, Sid at Lorna sa Dahil may Isang Ikaw, da best, di mo yan mapanood sa GMA, kahit kelan. Kahit si Karylle na dating bano, nakikipagsabayan na. Walang kupas ang echotin, and Kristine like KC, kung umiyak simple lang pero madadala ka. At ang mga speaking voice nila hindi masakit sa tenga

    Nga pala ang mga serye sa GMA telebabad, remake at kopya na nga lang, d pa nila magawang tama!

    • d ako nanunuod ng palabas sa abs-cbn pro i agree with you chosera. ang pinapanood ko na lang sa gma ngayon survivor at shining inheretance. basura ang lahat nga remake ng gma. aside sa d kaya umarte ng mga bida at kontrabida (sheryl cruz nakakasuka) binaboy pa ang isturya. sa STH lang awang awa ako sa production nga gma compare sa korean. since walang ganung pera ang gma para ibongga ang programa nila eh d go for original story. i cud not comprehend them making remakes.

  7. Pwede ba, kalat na kalat ang balitang halos mag makaawa na si Jewel sa GMA para bigyan ng project!

    Eh pano dami nyang eklay, na bawal ganito ganyan buti sana kung kagalingan eh wala namang ka talent talent at ang boring pa ng personality

    Dapat lang syang mag stick kay Richard dahil wala syang trabaho. At least dahil kay Richard napag uusapan pa rin ang di sumikat sikat na starlet na to

    • makati pa sa gabi ang batang ito. dapat mag workshop sya bago bigyan ng project. d kami nag mumura pero p_k_ ng ina nya ang acting, walang tulak kabigin sa kanila ni aljur abrenica!

  8. c jewel kc ang tumatanggi sa projects bcoz of her study daw…sana nga mkpagtapos na sya at mkakuha ng diploma..mukha nmn syang matalino…

    ako rin as i can see sa 2 iyan (chard nd jewel)
    love na love nga nila ang isat-isa…ayaw lng cguro ni annabel kay jewel kya kailngang itago…
    so sad nmn kapag ganun?

    • cliche’ why did she joined in showbiz then, sana ginaya nya c kc b4 siya nag-artista nagtapos muna siya.. nku ang kampo ni richard kpag nega thimik pero nung nging hero k kristine r. ang ingay…

Leave a Reply

Your email address will not be published.