Jewel Mische, someone’s ‘secret girlfriend’

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

NAPANOOD N’YO NAMAN siguro sa Startalk ang interview ni Mommy Carol Santos na nakiusap na huwag nang i-nega ang nalalapit na kasal ni Judy Ann Santos. Inamin ni Mommy Carol na nagkaroon siya ng konting tampo kay Juday kaya merong lumabas na isyung baka hindi raw ito sisipot sa kasal ng anak niya.

Say naman ni Mommy Carol, imposibleng mangyari ‘yun dahil matagal na raw niyang hinihintay ang kasal ni Judy Ann, kaya nagkausap na raw silang mag-ina at naintindihan naman daw niya ang gustong mangyari ng kanyang anak.

Nu’ng magkausap nga raw sila, na-touch pa siya kay Judy Ann dahil sinabi raw sa kanya na siya ang maghahatid nito sa altar kasama ang Kuya Jeffrey niya.

Pero kung sakaling ihiling daw ni Juday na isama ang Daddy niya at baka dumating ito galing Amerika, pagbibigyan na raw niya ito kahit ‘di niya type dahil araw naman daw ‘yun ng anak niya at kailangan naman daw niyang mapagbigyan ang lahat na kahilingan nito.

Sana tigilan na raw ang mga ganu’ng kanegahan sa kasal ni Judy Ann dahil gusto lang daw nito ng simpleng kasal lang para sa kanilang mag-anak at mga malalapit na kaibigan. Kaya hinihintay na lang daw niyang sabihin ni Judy Ann na mag-ayos na ito dahil ikakasal na ito kinabukasan. Wala pa nga raw siyang damit na isusuot sa kasal, pero baka ipinagawa na raw siya ng kanyang anak.

Gusto ring linawin ni Mommy Carol ang isa pang isyung ayaw raw niya kay Ryan Agoncillo bilang manugang. Pahayag ni Mommy Carol; “It’s not true! Gusto ko si Ryan! From day one na nakilala ko siya, hindi siya nagtago kung sino siya eh, kung ano ang ugali niya.

“Saka nakita ko how he takes care of Juday, nakita ko na meron na si Juday na isa pang kakampi. Mawala man ako sa mundo, ‘and’yan na siya. Hindi siya pinababayaan ni Ryan kaya please huwag n’yo na pong intrigahin. I like the guy!” Matinding pahayag ni Mommy Carol tungkol sa isyung ‘yun.

KAHAPON, NAGSIMULA NA ang bagong episode ng Dear Friend tampok sina Katrina Halili kapartner si Alfred Vargas, at si Jewel Mische, katambal naman si JC Tiuseco ng Survivor.

In fairness lalong gumanda si Jewel at dapat ngang mabigyan ito ng magandang break ng GMA 7. Ang alam ko pinupuntirya ng ABS-CBN na kunin ito, kaya lang matagal pa ang kontrata nito sa GMA 7 at wala naman yatang balak na lumipat si Jewel.

Nangako na itong magku-concentrate na siya sa trabaho pagkatapos niyang mawala nang matagal-tagal at nanatiling “girlfriend sa dilim.”Alam n’yo naman siguro kung kanino na-link iyan at hanggang ngayon yata, sila pa rin. Kaya lang tahimik, at ito namang Jewel tahimik na rin kahit marami tayong naririnig tungkol sa kanila.

Anyway, okay na ngayon si Jewel at nangakong magpakatino na sa trabaho kaya sunud-sunod naman ang suwerte sa kanya.

Pagkatapos nitong Dear Friend, malapit na rin daw siyang i-launch bilang bagong endorser ng isang kilalang beauty clinic at isa pang beauty product. Bongga na ‘yun!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.