Jewel Mische, not a famous star yet..

NAGING BLUNT SI Sharon Cuneta sa mga itinuturing na kaibigan, lalo na from the press, na sa katagalan ay gusto lang palang ilagay ang mga ito sa payroll niya at tratuhin siyang parang ATM card. Kilala namin si Shawie. Hindi ito maramot na tao at may pagkukusa.

Hindi nga lang talaga maganda ang ideya na nakikipagkaibigan sa kanya dahil nga lang sa kung ano ang makukuha sa kanya. Kunsabagay, sa showbiz naman ay may kanya-kanyang vested interests. Pero, ang kay Shawie ay ‘yung ilagay naman sa lugar.
Napag-usapan kasi ang ganito sa presscon ng BFF (Bestfriends Forever) sa paraang idinaan na lang ng co-star dito ni Mega na si Ai Ai delas Alas sa biro ang tila ginagawang pag-abuso sa kanya ng kung sinu-sinong tinatrato pa naman niyang kaibigan.

Pero, nang tahasang pinapili si Ai Ai between Kris Aquino and Sharon Cuneta, mas pipiliin daw ni Ai si Mega dahil ang asawa nitong si Senator Kiko ay hindi naman daw siya inaaway. Matatandaan na nagkaroon ng conflict kina Ai Ai at Kris Aquino dahil sa mister ng huli, si JamesYap.

Just the same, iba pa rin ang “Friendship” na tawagan nina Kris at Ai, sa BFF (Bestfriends Forever) nina Ai at Mega. Magkaiba raw talaga ‘yun at huwag nang intrigahin.

Bagamat very generous si Kris, mas bongga raw si Mega dahil ilang ulit na nitong binigyan ng alahas si Ai Ai. Maski raw ang ina ni Mega na si Mommy Elaine Cuneta ay napapagkatuwaan si Ai Ai at give din ito ng mga alahas sa kanya.

Idinadaan na lang nina Mega at Ai sa tawanan ang ganitong mababaw na sukatan ng pagkakaibigan, but just the same, kilala naman nila ang mga sarili nila. In fact, may private jokes sila na talagang ikawiwindang ng mga hindi sanay sa pakikinig sa kanilang kasuwal na conversations.

NASABI NI DIREK Mel Chionglo sa launch ng Sine Direk ng APT Entertainment sa Teatrino Greenhills kamakailan na nabalam talaga ang shooting ng Bente na kasali sa line-up movies para sa nasabing film event dahil sa kagagawan ng isang young actress.

Kitang-kita kay Direk Mel ang pressures dahil may nakatalagang playdate na para sa bawat pelikula. Ang Bente ni Direk Mel ay work in progress pa rin.

Ang itinuturing niyang original choice para sa pelikula ay si Jewel Mische. Hindi man niya sabihin ang identity nito, may nakarating sa aming chika na si Jewel ang nagtungo sa first shooting day sana ng produksiyon para lang magpaalam na hindi na niya magagawa ang pelikula dahil hindi raw niya kakayanin ang demands ng role.
In the first place, tinanggap na ito noong una pa lang ng young actress, at dahil sa kung anong pressures, hayan at nag-back out na lang ito. Napunta tuloy ang role kay Glaiza de Castro.

Palagay namin, ito na ang umpisa ng tuluyang pagkalaos ni Jewel. Kapansin-pansin na mula nang magkaroon ng kontrobersiya between her and Richard Gutierrez involving Aljur Abrenica, bigla na lang siyang nawala sa eksena.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

8 thoughts on “Jewel Mische, not a famous star yet..

  1. si jewel mische ang totoong syota ni richard gutierrez. madalas silang magkasama sa 1 mckinley condo sa fort. minsan nga nakapajama lang siya… hello?

  2. sayang nman c jewel. kung tutuusin mas mgnda p sya s ibng mga artista.. kya lng di msyado mglng umarte pero my acting workshop nmn kya magagawan ng praan. GO JEWEL!

Leave a Reply

Your email address will not be published.