Jewel Mische, nagpapakamartir kay Richard Gutierrez

SADYA BANG MARTIR ang Kapuso-turned-Kapamilya talent na si Jewel Mische pagdating sa pag-ibig? Nito lang kasing nakalipas na presscon ng seryeng pinagbibidahan nila ni Gerald Anderson, at first major project ng Starstruck gradute sa ABS-CBN, halatang marami pa rin siyang pinagtatakpan sa relasyon nila ng GMA prime talent na si Richard Gutierrez.

Lumabas nga sa bibig ni Jewel ang napakaraming inconsistencies nang tanungin ng press kaugnay ng relasyon nila ni Richard. Matagal na kasing natsismis na magdyowa sina Jewel at Richard, pero never nila itong inamin noong kainitan ng isyu, kahit ilang pagkakataon nang naispatan silang magkasamang umaalis at dumarating sa bansa. Inamin na nga lang nilang magdyowa sila ng ‘nakipaghiwalay’ na raw ang matinee idol sa sumakabilang-bakod na aktres.

Dito na nagkabuhol-buhol ang paliwanag ni Jewel sa press. If we are to read between the lines, sabi nga, puwede nating sabihing patuloy pa rin sa pagiging ‘girlfriend sa dilim’ itong si Jewel. Nang tanungin kasi tungkol sa balitang break-up nila ni Richard, natatawang naglitanya ang aktres ng, “Nag-break? Talagang nag-break?” Na para bang sinasabing walang ‘break’ na naganap.

Hindi rin puwedeng ikatuwiran ni Jewel na ‘hindi talaga sila nag-break dahil hindi naman naging sila’. Dahil nga si Richard na mismo ang nagsabing break na sila, at maging siya, inamin niya sa nasabing presscon na si Richard ang kanyang ‘first boyfriend’.

Ang nakababaliw pa, pinaiikot at pinasasakay pa ni Jewel ang press sa kanyang pahayag na wala naman daw nagki-claim sa showbiz na girlfriend siya. “Well, to make it more interesting, has anybody claimed me to be his girlfriend? Has anybody claimed me to be his girlfriend po?”

Sa pamimilit pa nga ng press sa real score between her and Richard, sabi ni Jewel, “Whatever happens, whatever is happening, Richard won’t do anything without my approval, without settling things with me, without talking with me.

“He won’t do that. He won’t be that rude to do that to me. So, what I’m trying to say is that kung anuman ang nangyari, kung anuman ‘yong ngayon, kaming dalawa na lang ang nagkakaintindihan.”  Na halatang may pinagtatakpan – either ang kamartiran niya, or ang pagturing sa kanya ni Richard bilang girlfriend na hindi maamin-amin.

Kung sa bagay, mahihirapan nga naman ang kani-kaniyang publicists na gawan sila ng publicity gimmicks kung nagtatrabaho sila sa magkaibang istasyon, at gumagawa ng magkaibang proyekto, tapos lovelife nilang dalawa ang pag-uusapan. Paano nga naman magagawan ng ‘love angle’ ang bawat isa sa bawat magiging kapareha nila? O, ‘di ba… very showbiz!

‘Yun nga lang, patuloy na pinagmumukhang tanga ng mga artistang ito ang mga manonood at ‘di na inisip na mas matured na ang viewing public, na hindi kailangang i-link sa isa’t isa ang mga nagkakatambal sa TV or movie projects para lang tangkilikin. Talking about old school… ‘Yun na!

BLIND ITEM: EVERY month daw kung lumuwas sa South ang isang hunk actor na minsan na ring naging ‘flavor of the month’ ng isang gay TV executive. Ang dahilan: Doon lang naman sa bandang South of the Philippines nakatira ang kanyang bading na ‘sponsor’ na anak ng isang maimpluwensiyang tao. Wa na sa pagbibigay ng clue, mahirap nang mangamoy ‘pag nagsalita pa ako!

Danny’s Law

by Danilo Jaime Flores

loading...

3 thoughts on “Jewel Mische, nagpapakamartir kay Richard Gutierrez

  1. kasi pa english english ka pa kasi teh na confuse baga kami sa explanations mo teh! mag tagalog ka na lng,,,day! sus mio!!!! kong kayu kayu,,,kong hindi hindi arte mo!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.