Jewel Mische, kinaiinisan ng mga young actress sa Dos?

OLA CHIKKA! MGA kaparazzi, isa na namang bongga at walang takot na pagbabalita ang ihahandog ko sa inyong mga masugid na mambabasa ng Pinoy Parazzi.

Sa lahat ng mga kalalakihan diyan, inaanyayahan ko muna kayo na manood online sa kauna-unahang pagkakataon ng isang programang hatid ng flippish.com para sa inyo na gustong makakita ng mga nagseseksihang modelo ng FHM Premiere Vixens!

Ito ay ang Flippish.com presents Live and Uncensored with the Premiere Vixens na gaganapin bukas, January 29, sa ganap na alas-9:00 ng gabi sa Blue Onion, Eastwood, Libis, Quezon City.

Mapapanood ito sa pamamagitan ng pag-click sa www.flippish.com/vixens …at charan! Mapapanood n’yo na ito habang kayo ay nasa inyong baler, at kung saan mang sulok ng inyong bahay! Ahahaha! Alam na! ‘Di ba mga boys? Chos! Magkita-kita mga kaparazzi! ‘Yun na!

‘ETO NA NGA ang aking chikka. Patungkol ito sa aktres na si Jewel Mische na mula sa kanyang mother studio, nag-ober da bakod siya sa Kapamilya station, kung saan ay binigyan agad siya ng isang bongga at tunay na kinaiinggitan ngayon ng mga loyal Kapamilya young actress.

Ipinareha kasi agad itong si Jewel sa action-drama prince na si Gerald Anderson sa Wansa-panataym presents Buhawi Jack. Pero ang eksena rito, maraming mga Kapamilya young actress ang nagtaas ng kanilang mga kilay sa nasabing desisyon ng management sa pagkakasungkit ni Jewel sa pagka-leading lady ni Gerald! Oo nga naman, ‘di ba?

Naiintindihan ko ang hinaing ng mga young actress dahil loyal nga naman sila sa istasyon kahit hindi sila nabibigyan ng break at mga proyekto, at patuloy nga silang umaasa na baka magmilagro at mabigyan sila ng proyekto.

May mga nakausap kasi kaming young actress na nagkuwento sa amin na naloloka sila kay Jewel (take note, naloloka ang sabi ko, hindi naiinggit! Ahahaha!), dahil hindi naman daw ito kahusayan umarte at mas bagay na maging palamuti lang sa mga soap opera. Ngunit, subalit, datapuwat, bakit may bonggang show kaagad ang nasabing young star? As in taas-kilay talaga ang mga ito at naiiritang sinabi na for sure, hindi niya maibabangon ang natabunan niyang career sa Siyete, at hindi na masusundan pang muli ang kanyang proyekto.

Napaisip tuloy ako na baka si Jewel ay nagbigay ng isang serbisyong magiging kapalit ng kanyang programa?! Hmmm… what do you think, mga kaparazzi? Hahaha!

Ramdam na ramdam namin ang pagngingitngit sa galit ng mga aktres na nakausap natin sa ating panayam. Pero kasi noong ako mismo ang nanonood ng nasabing serye na umera na nga noong nakaraang Sabado, ang tangi ko lang nasabi ay ano’ng pinaggagagawa ni Jewel? May proyektong maganda, pero ayaw mag-effort at makipagsabayan sa mga kasamahang actor at actress?

Marami rin sa mga nakapanood ang hindi naka-appreciate sa kanyang acting dahil masyadong trying hard ito at hindi kaaya-ayang panoorin! Kaya naman ang manonood ay tumutok na lang sa mga kalabang istasyon.

Sa management ng Dos, sana i-prioritize n’yo naman ang mga loyal artist n’yo, at ‘wag nang kumuha ng mga nala-ocean deep na produkto ng kabilang istasyon! ‘Yun na!

O, ‘DI BA? Sa pitik-bulag natin, alamin n’yo kung sino ang mga actress na nakausap natin sa interview na more more taas ng kilay sa pagkakabigay ng proyekto kay Jewel Mische?! Ahahaha!

At antabayanan na lang ang aking programa sa DWSS 1494 KHZ, simula Lunes-Biyernes sa ganap na 11:30-12:00 nang tanghali, kasama ang aking anak na si Lady Camille, at subaybayan din tuwing Linggo sa DZRH 666 KHZ, 2:30-3:30 ng hapon. Badjao!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleBuhay ni Hubert Webb, gagawan ng pelikula
Next articlePiolo Pascual, ka-level na ang ama ni FPJ!

No posts to display