Jewel is Mische-d

Pagkatapos lumabas bilang isa sa mga leading lady ni Richard Gutierrez sa Kamandag, hindi na nagkaroon ng regular show sa kanyang home network si Jewel Mische. Pa-guesting guesting na lang ang inabot ng kanyang beauty kaya naman blessing in disguise ang pagtanggi ng kanyang kapwa Kapuso star na si Yasmien Kurdi sa role dapat nito sa Dear Friend, Karibal episode. Kaya ang ending, kay Jewel ibinigay ang naturang role at makakapareha nito ang Survivor Philippines winner na si JC Tiuseco. At dahil makakasama niya sa ang two-time FHM’s sexiest woman na si Katrina Halili, aba’y magpapatalbog ba ang natatagong kaseksihan nitong si Jewel, huh?

Pero ang latest chika dito sa chikababes na ito ay ang hindi pa rin mamatay-matay na isyu sa kanila ni Richard Gutierrez. Aba’y akalain mong palihim pa lang nagkikita ang dalawang itech? At take note, sa Hongkong pa sila na-see ng mga chikadora. Ano ba kasi ang real score sa kanila nang matapos na ang usaping itech. Kapag lumipat na kaya itong si Jewel beybeh sa kabilang istasyon, matapos na kaya ang pagli-link sa kanila ni Zorro este Richard? Trulalu mga kaparazzi. Balita kasing planong hiramin itong ating Ultimate Sweetheart ng Kapamilya network at may nakalaan ng proyekto para sa kanya. Naku, bebe Jewel, esep-esep nang mabuti. Basta kung saan che-chever nang bonggang-bongga ang iyong career, suportahan ka namin. Okech, okech?

Photos by YOMEN

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.