Jewel, inaming dumalaw kay Richard sa hospital

NAKORNER NAMIN SI Jewel Mische after ng live chat niya last Friday sa GMA-7 at muling naungkat na naman ang relasyon nila ni Richard Gutierrez.

Sa totoo lang, marami ang nakapansin na mas magandang ‘di hamak si Jewel kesa kay KC Concepcion na dating nali-link sa guwapong anak ni Tita Annabelle Rama.

Ingat na ingat si Jewel sa pagsagot pagdating sa isyu sa kanila ni Richard pero nararamdaman mong merong “something” sa kanilang dalawa. Inamin niyang isa siya sa unang sumugod sa Asian Hospital nang maaksidente si Richard at nagbantay sa aktor hanggang sa nakalabas ito. Sabi pa ni Jewel, may mga commitments naman siya noon na kailangan niyang gawin kaya hindi naman all the time ay nakabantay siya roon.

Kaya nang sinundan namin ng tanong kung in love ba talaga ito, “Love is in me! I just want to make it private sana at keep it to myself,” pa-safe na naman nitong sagot.

Gusto na sana ni Jewel na maging active muli sa showbiz dahil sa totoo lang, napakaganda nito ngayon at maraming magagandang projects na puwedeng ibigay sa kanya. “That’s why, I’m reaching out, na I want to work. Time management lang naman iyan eh, kaya ko naman ayusin sa schedule sa pag-aaral ko,” pahayag pa nito.

Patuloy pa kasi ang pag-aaral ng young actress ng Theology sa Cathedral of Praise. May kinalaman sa music ang pinag-aaralan niya sa Bible College dahil isa sa mga balak niya ay makapagpatayo ng Music Ministry para sa kanyang ama na na nasa Vienna, Austria na mahilig sa musika.

Bukod sa Bible College, gusto ring tapusin ni Jewel ang pag-aaral niya ng Aviation dahil mga 20 hours na lang ang tatapusin niya, puwede na siyang mabigyan ng lisensya sa pagkapiloto at makapagpalipad na siya ng eroplano.

Tamang-tama, may balak pala si Richard na bumili ng chopper kaya malamang na si Jewel na ang magpapalipad nito. Bongga, ‘di ba?

NAGSIMULA NA ANG Cinemalaya at pormal na itong binuksan sa CCP nu’ng nakaraang Biyernes.

Napansin naming sweet sina Candy Pangilinan at ang direktor ng isang entry doon na Astig na si GB Sampedro.

Nu’ng gala night ng Astig nu’ng nakaraang Sabado, magkasama na naman silang dalawa at magka-holding hands pa.

Tinanong naman namin kung sila na ba talaga, “special friends” lang ang nasabi nila. Aminado naman si Candy na hindi pa siya gaanong handa sa panibagong relasyon pagkatapos ng failed marriage niya dahil medyo natatakot pa siya at baka magkamali na naman siya.

Pero sa ngayon, masaya silang dalawa kaya hayaan na raw muna nating ganu’n sila. Tanggap na si GB sa pamilya ni Candy at ganu’n din ang aktres.

Kasundo na nga ni Direk GB ang nag-iisang anak ni Candy na isang special child. ‘Yun lang naman ang mahalaga sa aktres, na dapat mamahalin din nito ang anak niya.

Isa sa bida sa Astig ay si Dennis Trillo at dumating din ito sa Gala night nang nag-iisa. Gusto niya sanang isama si Pauleen Luna, pero umiiwas na lang daw itong pagkaguluhan na naman ng media at uriratin kung ano talaga ang relasyon nilang dalawa.

By Gorgy’s Park

loading...

6 thoughts on “Jewel, inaming dumalaw kay Richard sa hospital

  1. i also don’t like richard,recently, pero sa tingin ko epekto rin kasi yan sa kinalakihan nya at sa pagdadala ng parents nya sa kanya especially anabelle kaya sya nagkaganyan. tapos idagdag pa yang mga friends nyang sosy kuno na walang alam gawin kundi ang magyabang. i guess a woman who is well-mannered, smart and simple ang kailangan nya like jewel. para naman for once in his life noh may taong matino ang utak na magpapayo sa kanya. he’s surrounded kasi with fake, ill-mannered people! diba nga dumating sa point na binully ng friends ni richard si jewel? kainis talaga yang friends nya lalo na yang bubbles na yan. wala namang alam gawin kundi mag-pose!

    @GME, libre sa Kangkungan!: napansin ko rin yan hehe i think he’s cuter when he’s younger.

  2. kung mas maganda sya kay KC bkit wlang endorsement,di sna magpatulong sya sa bf(kuno)richard pra magkaroon.?kung gf sya ni richard bkit sya tinatago?bkit ayaw aminin bkit kinahihiya? bkit pagwala si richard sa pinas don sya nagpapa-interview,kung nandyan tahimik sya.ksi last time pumunta richard sa states ba yon,nagpa-interview rin sya….kung gf tlaga sya ni chard noon pa bkit hinayaang nya magpadala ng bulaklak si chard kay KC noong nalilink pa si KC kay lino….

  3. Ang pamilya gutierrez, saksakan ng mga hambog. Lalo na ang ate nyang si Ruffa. Tingin ba nya mataas ang tingin sa kanila ng mga tao? Pok.pok ang tingin sa ate nya

  4. i really dont like richard guttierrez…hambug masyado ka dong liwat sa nanay….actually,lahat sila hambug,pati ate niya….

Leave a Reply

Your email address will not be published.