Jestoni Alarcon, naingatan ang pribadong buhay at napanatili ang pagiging tapat na asawa

Naingatan ni Jestoni Alarcon ang kanyang pribadong buhay at napanatili ang pagiging tapat na asawa kay Lizette na nasa ika-25 taon na ng kanilang pagsasama.

ISA sa masasabi mong matatag ang relasyon pagdating sa buhay may-asawa simula nang ikasal ay ang actor na si Jestoni Alarcon. Napanatili niya ang pagiging faithful sa asawa at hindi siya kailanman natsismis o na-link sa ibang babae.

Bagama’t aminado rin ang aktor na noong binata siya at contract star pa lamang ng Seiko Films noong 80s hanggang 90s, madalas siyang ma-link noon sa kanyang leading ladies gaya nina Rita Avila, Rachel Lobangco, at Gretchen Barretto.

Ayon pa sa kanya, kapag mayroon daw siyang karelasyon noon, stick to one lang siya at hindi na tumitingin pa sa ibang babae.

Sabi ni Jestoni, “Alam naman siguro ng lahat na never akong natawag na babaero or playboy noon, ‘di ba? Oo, na-link ako sa mga naging leading ladies ko before. Pero hanggang doon lang ‘yon. After ng movie, wala na.”

Isa pa, may pribadong buhay kasi ako noon na hiwalay sa showbiz life ko. Kung sino ang karelasyon ko noon, walang masyadong nakaaalam, kasi tahimik lang ako noon. Unlike ngayon kasi, dahil sa social media, masyadong nae-expose ang mga artista sa kung sino ang ‘dine-date nila,” dagdag pa ng aktor.

Samantala, nagdiwang ng kanilang 25th wedding anniversary si Jestoni at ang kanyang non-showbiz wife na si Lizette Alarcon kamakailan lang, at masaya si Jestoni sa kanyang pamilya.

Matatandaang ikinasal sila noong 1992 si Jestoni kay Lizette at biniyayaan sila ng tatlong anak.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.