Jessy Mendiola, umaasa sa bagong pag-ibig

Jessy-MendiolaJESSY MENDIOLA is one of the most beautiful faces in showbiz today. She has an irresistible charm kaya maraming boys ang umaali-aligid sa kanya. Kapag nakita mo kasi si Jessy ay imposibleng hindi mo siya tapunan ng pangalawang tingin.

Pero mukhang hindi pa napapana ni Kupido ang puso ni Jessy para kay Mr. Right. Last year, tila naging mailap ang pag-ibig kay Jessy matapos siyang maugnay kina JM de Guzman at Matteo Guidicelli. Kapwa hindi naging happy ending ang mga ito.

Kabilang din sina Jake Cuenca at Jeron Teng sa mga lalaking nabighani ng kagandahan ni Jessy.

Isa pang matunog na pangalan na nauugnay kay Jessy ay si Sam Milby. The actor was very vocal in his admiration for Jessy. “Nililigawan ko si Jessy. She’s aware. I did let her know my intentions. She’s beautiful. I like her simplicity. Hindi siya maarte,” Sam once admitted. Matatandaang nagkaroon pa ng isyu ang kanyang panliligaw because of their nine-year age gap.

In her latest guesting on Buzz ng Bayan ay inamin ni Jessy na hindi na sila madalas nagkikita ni Sam ngayon. Pareho silang abala sa kani-kanilang showbiz projects. She is busy shooting everyday while Sam is one of the leading men in the upcoming primetime series Dyesebel.

Kamakailan lang ay lumitaw naman ang mga larawan ni Jessy na may kasamang isang nakasumbrerong lalaki na ka-date niya diumano sa isang bar sa Makati last January 12. According to a reliable source, the mysterious guy is none other than JC de Vera. Although they were with other people that time, hindi raw umalis si JC sa tabi ni Jessy noong gabing iyon. In his previous interview, inamin ni JC na isa si Jessy sa kanyang mga crushes sa showbiz.

Maraming guys ang nagpapahiwatig pero tanging si Jessy lang ang makapagsasabing handa na siyang muling magmahal. She previously posted on her Instagram account the caption ‘Last sunset of 2013, new beginnings, new happiness, new love!”

Ito kaya ay isang pagpapahiwatig ni Jessy that she is now ready to enter into a new relationship? Abangan.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

4 thoughts on “Jessy Mendiola, umaasa sa bagong pag-ibig

  1. nyahahahahah may natural ganda pa ba ang mga kapamilya female talents hahahha teka sino kaya sa kanila hahahaha parang wala na,,,puro mga retokadas na,,,hahahah

Leave a Reply

Your email address will not be published.