Jessy Mendiola, type ni Matteo Guidicelli na maging Velentine date?!

JESSY MENDIOLA is one of the most beautiful young actresses in the country today. She has an irresistible charm kaya naman hindi kataka-taka kung marami ang nabibighani sa kanyang kagandahan.

Since Jessy is a public figure ay wala siyang lusot sa mapanuring mata ng publiko lalo pa’t uso na ngayon ang mga social networking sites tulad ng Twitter, Instagram at Facebook. Whether she likes it or not ay kakabit na ng kanyang karera, ng kanyang kasikatan, ng kanyang pagiging artista, ang mga intriga. The public wants to know everything about her tulad ng kung sino ang nanliligaw sa kanya, kung sino ang kasama niyang kumain sa ganitong restaurant at kung saan siya nagpupunta pagkatapos ng kanyang taping. 

Sa Twitter ay sinasabing spotted daw sila ni Jake Cuenca na magkasamang nag-dinner. May mga nagtatanong tuloy if they are dating. “Hindi. After kasi iyon ng isang event. Tapos, nagutom kami. Sabi ko, ‘Tara, dinner muna tayo.’ Kasama ko iyong make-up artist ko na si Lucy, tapos kasama namin iyong isa naming road manager. Apat kami roon. Kumain kami. Same kami ng handler at road manager, so magkakilala kami [ni Jake]. Alam namin na ‘Uy, okay lang. Tara kain tayo.’ Comfortable kami sa isa’t isa,” paliwanag ni Jessy.

Isa pang lalaking iniuugnay ngayon kay Jessy ay si Matteo Guidicelli na kanyang leading man sa Precious Hearts Romances Presents: Paraiso. Is it true that Matteo has invited her for a date this Valentine’s Day? Niloloko nga raw niya si Matteo, “Uy, wala akong ka-date sa Valentine’s Day, kahit tayo na lang.” Jessy insisted that they are not in a romantic relationship. Kapag niloloko raw silang dalawa ay nahihiya sila. Minsan naman ay kinakantahan siya ni Matteo sa set.

Sabi ko nga, may mga taong nakakakilig panoorin na magkasama onscreen because they look good together and they have great chemistry. Isa na rito sina Jessy at Matteo. Kung tutuusin ay walang masama kung maging sila because they are both single. Sa totoo lang, they are a lovely pair on and off-screen. Ang teleserye kaya nila ang magsilbing tulay para sa mas maganda nilang pagtitinginan sa isa’t isa? At kahit alam ng lahat na wala naman talaga silang relasyon ay parang merong pag-asa na maging sila. Gaya nga ng madalas nating sabihin, anything is possible. Tingnan natin.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

3 thoughts on “Jessy Mendiola, type ni Matteo Guidicelli na maging Velentine date?!

  1. Pingback: Jessy Mendiola, type ni Matteo Guidicelli na maging Velentine date?! | Celebrity Philippines

  2. Hindi ko rin bet yang si matteo asa lang sya feeling ko hindi naman sya sasagutin ni jessy sweet lang talaga sya,either coco or daniel matsunaga bagay kay jessy.

    .

Leave a Reply

Your email address will not be published.