Jessy Mendiola: The New Maria Mercedes?

TUMATAK NANG bonggang-bongga sa mga Pinoy telenovela lovers ang alindong ng Mexican actress na si Thalia. Paano ba naman, halos lahat ng mga programang kanyang pinagbidahan ay pinalabas sa Pilipinas noong 90’s. Siya nga ‘ata ang isa sa mga dahilan kung bakit naging mapangahas na rin ang sarili nating Filipina soap opera princesses sa kani-kanilang proyekto.
Ang Philippine version ng ‘Marimar’ ang dahilan kung bakit sumikat si Marian Rivera at kinikilala bilang ‘Primetime Queen’ ng Siyete. Ang programang ‘Rosalinda’ naman ang naging pasaporte sa showbiz ni Carla Abellana. Dito pa nga niya nakilala ang current boyfriend and real-life leading man na si Geoff Eigenmann. Sa bakuran naman ng Dos ay lalong tumaas ang tingin ng fans kay Erich Gonzales nang gampanan niya ang lead role sa Maria la del Barrio.
Matagal-tagal na rin ang usapang gagawan ng Philippine version ang Maria Mercedes. Naaalala ko nga na una itong pinalabas sa afternoon slot ng ABS-CBN bago ito inilipat sa primetime. Many years ago, usap-usapan na si Angel Locsin daw ang napipisil na gumanap bilang Maria Mercedes. Bigla naman ding nai-report na ito raw ang comeback project ni Andi Eigenmann pagkatapos manganak sa kanyang very cutie baby. Lumabas din ang chismax na ito raw ang first project ni Iza Calzado sa ABS-CBN.
Hot na hot sa Kapamilya Gold ang Precious Hearts Romances presents Paraiso, na pinagbibidahan nina Matteo Guidicelli at Jessy Mendiola. Sa Sabel pa lang ay lutang na lutang na ang ganda at kaseksihan ni Jessy. Maganda rin ang rehistro nito sa big screen nang mapanood namin ang pelikulang The Reunion last year. Sa kasalukuyan ay pinagpapantasyahan siya ng kalalakihan at kinaiinggitan naman ng mga kababaihan sa Paraiso. Every afternoon ka ba namang may ‘sexual tension’ scenes with the hunky Matteo G., ‘di ba?
May mga kumakalat na larawan ngayon sa internet na diumano’y ‘test photos’ para sa next project ng dalaga. Karamihan ng mga pictures na ito ay may nakasabit na bulaklak na namumulaklak sa tenga ng aktres. Sa totoo lang, naaalala namin ang dating in-demand na teleserye princess ng Dos na si Kristine Hermosa kay Jessy Mendiola. Parehong maamo ang kanilang mukha at tunay na pambida talaga!
Katulad ng ilang netizens, sabik na rin kaming malaman kung sino nga ba talaga ang magiging Pinay bet for Maria Mercedes. We’ve seen Marian, Carla and Erich do their thing. Will Jessy Mendiola be the next?

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

loading...

One thought on “Jessy Mendiola: The New Maria Mercedes?

Leave a Reply

Your email address will not be published.