Jessy Mendiola, nakaaway ang wardrobe staff ng Banana Sundae?!

 

Jessy Mendiola

“AKO PA? Not at all,” tugon sa amin ni Luis Manzano  nang maka-chat namin with matching emoticon na nakatawa.  Tungkol ito sa tanong namin kung pinagbabawalan ba niya ang kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola na magsuot ng sexy sa “Banana Sundae”.

 
Lumaki nga naman sa showbiz si Luis, naiintindihan niya ang ganitong trabaho at kung ano ang kailangan sa show. Wala namang isyu na ganyan sa kanya na nakikialam sa suot ng nobya  maski nu’ng karelasyon pa niya sina Angel Locsin, Jennylyn Mercado atbp.
 
True ba na wala na diumano si Jessy sa nasabing gag show dahil hindi sila magkasundo ng wardrobe?
 
May chism na ayaw na raw  yata ni Jessy na magpa-sexy. Kung hindi kami nagkakamali, isa sa dahilan na kaya kinuha siya sa “Banana Sundae” para sa opening na medyo sexy  pero hindi  naman bastusin.
 
Isa pang nagpahinga sa “Banana Sundae” ay si Pokwang dahil sa maselan ang pagbubuntis. 
 
Pero patuloy sa pagpapatawa sa “Banana Sundae”  sina Angelica Panganiban,  Jason Gainza,John Prats, Ryan Bang, Sunshine Garcia, Aiko Climaco, JC De Vera, Pooh, Jobert Austria, at Badji Mortiz. Abangan na lang kung sino ang mga guests nila na magbibigay aliw at magpapatawa sa mga netizens.
 
Nu’ng Linggo ay sina Ritz Azul at Alessandra De Rossi ang guest nila. Kitang-kita pa na umaalog-alog ang  mala-papayang boobs ni Ritz nang lumundag sa “Banana Sundae”
Ang “Banana Sundae” ay napapanood tuwing Linggo pagkatapos ng “ASAP 20.”
 
-0o0-
 
MOMMY GENESIS, BET SI JOHN LLOYD CRUZ!
 

Mommy Genesis

MAGDIRIWANG ng 19th anniversary ang tinaguriang “Queen of Entertainment  Bar” na si Mommy Genesis Gallios sa June 30, Friday, 10 PM sa The One  690 Entertainment Bar, Roces Avenue, QC in front o Amoranto Sports Complex Gate 5.

 
Si Mommy Gen ay kilalang  director, producer, pageant host  at co-owner/ Director ng The One  690.  Rebelasyon nga  niya, mga tatlong artistang sumikat  na ngayon ang naging produkto ng kanyang bar.
 
Inaabangan na ang kanyang pasabog na production number sa opening  na kung saan  ay fabulous. Tatak na ni Mommy Gen na lahat ng mga konsepto ng  shows  ay pinupuri dahil dekalidad.
 
Ano ang mga natutunan niya at na-realize sa industriyang kinagagalawan niya sa loob ng 19 years?
 
“Marami.. there are lot of generous and kind people na dapat pinapahalagahan at minamahal. Dapat laging bongga ang mga events at shows. Ang natutunan ko pa ay dapat mag-ipon sa lahat ng kinikita,” pakli niya.
 
Nakita rin niya na parang  showbiz din ang mundong kinagagalawan niya, masaya, makulay, malungkot at challenging. Ang mga modelo at performers ay parang artista rin  na  come and go pero siya ay nandiyan pa rin at nineteen years na.
 
Kung sakaling isapelikula ang buhay niya o ma-feature ang life story niya sa Maalaala Mo Kaya , sino ang gusto niyang gumanap ng buhay niya?

“Si John Lloyd  Cruz dahil isa siya sa pinakamagaling na actor sa kanyang henerasyon. Favorite din dahil ang galing niya kasi,” tugon pa niya.
 
Dagdag pa niya, kakaibang role  ang mapapanood at challenging  pag buhay ni Mommy Gen ang ginampanan lalo na pag  nag-impersonate o sumayaw sa mga big event niya na nakasuot babae. Ibang-iba raw ang atake nito sa ginawang pelikula ni JLC na “Ang Babaeng Humayo”.
 
Anyway, ipinagmamalaki ni Mommy Gen na 50 na kalalakihan ang magbibigay saya sa kanyang 19thanniversary sa Biyernes.  Isasabay rin ang  Ginoong 690 Universe na kung saan ay puro  guwapo at  yummy ang mga kandidato.

 

‘Yan Tayo,eh!
By Roldan Castro

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.