Jessy Mendiola, matatag pa rin laban sa mga body shamers!

JESSY MENDIOLA IS one controversial woman! Lagi nang laman ng mga balita ang dalaga simula pa nang siya’y inilunsad bilang teen star sa bakuran ng Dos. Maliban sa magandang mukha ay naging habulin din ito ng boys. Some of the actors na na-link sa kanya include Jake Cuenca, Sam Milby, Matteo Guidicelli at naging usap-usapan ang ‘challenging’ relationship nila noon ni JM de Guzman.

As of writing ay very much in love ang ating bida sa current boyfriend niya na si Luis Manzano. Up to this day ay mega bash pa rin ang mga jealous haters niya by posting mean comments in her social media accounts. May mga nagsasabi pa na ginagaya raw niya ang mga post ng kanyang ‘rival’ na si Angel Locsin, ang ex-girlfriend ni Luis. Naku, ha! Nakakaloka ang mga bashers!


Last year ay hinirang na ‘sexiest pinay’ ng isang men’s magazine si Jessy Mendiola, which prompted a lot of body shaming comments. Sa kasalukuyang tally ay hindi pasok ang hitad sa Top 10, pero mukhang hindi naman siya apektado. Nag-post ito kamakailan ng bikini picture ang dalaga at dinagsa na naman ito ng mean comments. Ang isang commenter ay biglang nagtanong kung bakit ‘mataba’ pa rin siya tingnan sa TV’. Sumagot naman si Jessy ‘Kasi lumalaki kami talaga sa TV. TV makes you gain 10 lbs. ‘Yung talagang mas slim in person, kapag sa TV, sakto lang. Eh ako balakangin kaya double :)”.

Nagkaroon ng debate noong nakaraang taon tungkol sa pagbo-body shame ng mga netizens sa crowning moment ni Jessy as the sexiest pinay for 2016. Naging matapang naman ito sa pagsabing dapat ay i-embrace ng mga kababaihan ang kanilang katawan at maging proud.

Dahil sa katapangan na pinapakita ni Jessy ay lalo kaming napapabilib nito. Don’t you ever let the haters put you down! Kahit si Ate Vi ay aprub sa pagiging natural mo kaya keep it up, lady!

loading...

One thought on “Jessy Mendiola, matatag pa rin laban sa mga body shamers!

  1. pano hindi naman kasi sya a kagandahan, hindi marunong umarte,tsaka yong pagkapanalo niya wala na ksing iba kaya hayan ang lalaki ng mga legs parang poste ng meralco…

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.