Jessy Mendiola, malabo nang maagaw kay Angel Locsin ang pagiging Darna

 alt=

Jessy Mendiola & Angel Locsin

Jessy Mendiola & Angel Locsin

Malabo na nga yatang makuha ni Jessy Mendiola ang role ng Darna sa muling pagsasapelikula nito. Mukha kasing hindi ma-imagine ng mga executive ng ABS-CBN na hindi si Angel Locsin ang gaganap sa iconic super hero na likha ni Mars Ravelo.

Nakatakdang ipalabas ang Darna movie sa 2017, at matapos ang ilang taong paghihintay at ispekulasyon sa kung sino ang gaganap sa title role, kumpirmado na ngang muling gaganapan ni Angel ang papel na Darna na nagpasikat sa kanya nang gampanan niya ang role sa TV series ng GMA noong 2005.

Naging matunog ang pangalan ni Jessy na mag-Darna, lalo pa’t tinanghal ang aktres na sexiest woman ng isang men’s magazine ngayong taon. Ito ay matapos maunang mag-back out noon si Angel nang magkaroon siya ng back injuries, kung saan natigil din ang preparasyon para sa pelikula.

Bukod kay Jessy, ilang pang pangalan ang lumutang para gumanap na Darna. Kabilang ditto sina Liza Soberano, Pia Wurtzbach, Nadine Lustre, Maja Salvador, at Kim Chiu.

Lalong uminit ang pagtatalo at excitement nang maglabas ng teaser si Direk Erik Matti sa social media, pero marami pa rin ang umaasang si Angel pa rin ang magiging Darna.

Ngayong maayos na ulit ang kalusugan ni Angel, at may clearance na mula sa kanyang doktor para gawin ang pelikula, wala na ngang makapipigil pa sa muling paglipad ng aktres.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

loading...

7 thoughts on “Jessy Mendiola, malabo nang maagaw kay Angel Locsin ang pagiging Darna

  1. Aanhin mo ang sikat kung hindi naman bagay sa kanya ang role? Mabuti pa ang hindi masyadong sikat pero sa kanya bagay ang role. Kaya ang masasabi ko ay kulang nga ng artista sa ABS na babagayan ng role na Darna. Kay Angel talaga bagay. Liza Soberano she’s a bit petite and hindi action ang genre nya, Darna may pagka action, Nadine Lustre hindi rin kasi yung physique rin nya ay hindi akma. Well pwedeng mag gym para gumanda ang katawan pero hindi rin bagay sa kanya. si Maja maganda naman, kaya lang medyo maliit at malaki-laki na rin ang pata nyaKung si Kim Chiu ang bet mo, parang ang kaders dahil ang makikita ay isang Darna na tuod. Oo yung pinagsasabi ko po ay may halong panlalait pero kasi totoo naman. Ang isang role ay ibinibigay dapat sa isang artista na sa tingin ng management ay bagay dito at gaganapan ng bongga, hindi yung ibinigay sayo dahil wala silang choice. So parang second choice ka lang, panakip butas, rebound.

  2. di naman talaga dapat ibigay kay PATA ang Darna dahil in the first place,ni isang project na binigay sa kanya never naging successful so alangan namang susugalan nanaman sya eh maraming beses na sya Lumagapak,agaw pa more,pls paKasal; nalang kayu ni BABALUNG BAYOT hahaha

  3. Dito mo malaman na kulang ang Dos ng artista for any iconic role. Ang GMA 7 ang Marami like Julie Anne San Jose at ang apat na Sanggre. Ano ba yan Matandang Darna na naman ang bibida at lamya Panaman ni ngewi gel sa action at boses nya. Ang DospoorDos Hindi nadala sa flop na Dyesebel dahil sa matandang shabog na bidang si anne Curtis.

    • Korek! Mas bagay sana ang Darna especially kay Kris Bernal. Mas madaming magagaling sa GMA. Mga mas sikat pa. For sure blockbuster ang Darna movie kung mga taga GMA sana ang gaganap

      • Oh My Gus! May tv ba kayo? Sikat at MAS magagaling — sa GMA? Sino? Patawa ka naman e! =) Kris Bernal? The who?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.