Jessy Mendiola, isinakripisyo ang lovelife alang-alang sa career

IT CAN now be told. Jessy Mendiola will reprise the role of Thalia in the local version of the Mexican telenovela Maria Mercedes. Hindi naman ito nakabibigla dahil may ibubuga sa pag-arte si Jessy and she is one of the most beautiful young actresses in the country today.

According to ABS-CBNnews.com, Jessy is excited and happy that her dream role finally came true. “Isa talaga si Maria Mercedes sa dream roles ko kaya excited ako para sa project na ito,” kuwento niya sa presscon.

Dagdag pa niya, “Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na gagampanan ko ang isang napakaganda at iconic character na talaga namang minahal ng maraming Pilipino. Sobra akong surprised kaya noong nalaman ko na ako si Maria Mercedes, naging emosyonal ako. Pangarap kong maging siya. Tapos pinakanta pa sa akin iyong theme song. Ang saya ko na pinagkakatiwalaan pa rin ako ngayon.”

Makakasama ni Jessy sa Maria Mercedes sina Jake Cuenca, Jason Abalos, Vina Morales, Dominic Ochoa, Nadia Montenegro, at Vivian Velez. It will be directed by Rechie del Carmen.

Looks like this would be a busy year for Jessy dahil maliban sa kanyang bagong teleserye ay nakatakda rin siyang gumawa ng pelikula kasama sina Richard Gomez, Dawn Zulueta, at John Lloyd Cruz.

During the presscon of Maria Mercedes, hindi nakaligtas si Jessy sa mga tanong ng press tungkol sa kanyang lovelife. Ayon sa artikulo ni Reyma Buan-Deveza sa ABS-CBNnews.com, binasag ni Jessy ang kanyang matagal na pananahimik tungkol sa kanila ni JM de Guzman. She admitted na naging sila for two years. It was Jessy who decided to break up with JM maliban pa sa hindi boto ang kanyang ina sa kanilang relasyon.

Since no one knew about the real status of their relationship and JM openly admitted his love for Jessy, marami ang pumuna noon sa dalaga.

“Ang daming nagsasabi na napakasama kong tao kay JM kasi hindi ako nagsalita tungkol sa kanya. Nagka-taon lang na umamin siya na mahal niya ako noong wala na kami. At ayaw ko nang dagdagan na ‘opo mahal ko siya pero hindi p’wede, kasi hindi kami okay ng mom ko.’ So I really kept mum about it at tinanggap ko na lang ang sinasabi ng tao na ‘ah pinaasa mo lang siya, sinira mo ang career niya, iyong trabaho niya’,” paliwanag ni Jessy.

Inamin ni Jessy na minahal niya si JM. “So ngayon po kung ano ang nangyayari sa kanya, I really hope all the best for him kasi napakagaling niyang aktor at napakabait na tao.”

Nagsalita rin siya tungkol kay Matteo Guidicelli. Mukhang naudlot ang kanilang love story pagkatapos ng series nilang Paraiso. Jessy said she’s not closing her doors to Matteo. “We are friends naman ni Matteo and we still talk. Happy rin ako para sa kanya kasi ang dami niyang trabaho ngayon.”

Sa ngayon ay naka-focus muna ang atensyon ni Jessy sa kanyang career. “I think love can wait. I can put my lovelife on hold but iyong career kapag nawala ay mahirap bumalik. Iyong love, iiyak mo lang iyan,” she enthused.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “Jessy Mendiola, isinakripisyo ang lovelife alang-alang sa career

  1. Love can wait and bata pa si jessy, she needs to work to provide for her family. Career muna habang in demand pa sya ipon ipon din at the same time. 

  2. Tama ka Jessy, unahin dapat ang career tsaka n yng lovelife talo k jn. Malalaspag klng then iiwanaan krn taz ala kp babalikang career. Bta kp nmn eh at ngsisimulang sumikat kya cge lng work lng ng work hanggat me ngtitiwala syo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.