Jessy Mendiola, inaayawan ng fans ni JM De Guzman

JM-de-Guzman-Jessy-MendiolaVERY MUCH in love ngayon sina JM De Guzman at Jessy Mendiola sa isa’t isa. Open to the public ang kanilang relationship. Hindi na ikinahihiya ng dalaga na nagkabalikan na uli sila ng actor. Bumalik na kasi ang kasikatan ni JM kaya proud siyang  sinasabi na boyfriend niya ang binata. Kung nagle-level-up ang career ngayon ng actor/singer, mabagal naman ang pag-usad ng showbiz career ni Jessy.

Marami kasi ang buwisit sa pag-uugali ni Jessy, may attitude problem ito sa trabaho. Nagpi-prima donna sa set kahit wala pa namang napatutunayan as an actress. Hindi porke nagbida na ito sa teleserye, nangangahulugang star na nga siyang maituturing? Hind, ah!

Masuwerte si Jessy, binalikan pa siya ni JM. Nagkaroon ng free publicity ang dalaga dahil sa kasikatan ng binata. Super ang ginagawang pagtatanggol nito sa mga negative issue na naglalabasan sa kanyang dyowa. Nega naman kasi ang dating ni Jessy sa publiko, lalo na sa mga fans ni JM. Hindi pa rin nila matanggap ito.

Ang balita namin, maging ang parents ni JM tutol sa pakikipagbalikan ng kanilang anak kay Jessy. Wala na nga lang silang magawa dahil totoong mahal ni JM ang dalaga. Iniwanan naman kasi nito sa ere ang binata nu’ng time na may mabigat na problema ang magaling na actor/ singer. Sana naman, forever na nga ang pagmamahalan nina JM at Jessy sa isa’t isa at sila ang magkatuluyan sa hanggang sa huli.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleSharon Cuneta, emosyonal sa performance night ng talent show
Next articleArnell Ignacio, usap-usapan ang proposal sa dyowa

No posts to display