Jessy Mendiola, excited pero kinakabahan sa movie nila ni John Lloyd Cruz

Jessy-Mendiola-John-Lloyd-CruzJessy-Mendiola-John-Lloyd-CruzMAGANDA ANG takbo ng showbiz career ni Jessy Mendiola noong nakaraang taon. She topbilled the primetime series Maria Mercedes, which according to her, was a dream come true.

Maliban sa kanyang teleserye, she was also appointed by the Korean Tourism Organization (KTO) bilang Honorary Ambassador for Korean Tourism. Matatandaang kabilang si Jessy sa walong masusuwerteng delegado mula sa iba’t ibang bansa na nakasama ang dalawa sa hottest members ng sikat na Korean boy band na Shinee when Korean Broadcasting System (KBS) had its second World Date noong 2012.

During an interview with ABS-CBN News, sinabi ni Jessy na masaya siya sa estado ng kayang career at wish din niya na maging mas bongga pa ito ngayong 2014.

Simula pa lang ng taon pero isang bigating project na naman ang naghihintay para sa kanya. She is scheduled to do a movie with John Lloyd Cruz, Gretchen Barretto, and Richard Gomez sa direksyon ni Chito Roño.

“I’m really excited and nervous at the same time. He (Roño) was really particular with my look na parang sinasabi niya na, ‘Naku, wala munang kulot ngayon and pulang lipstick. Ayaw kong makakita ng pula,’” kuwento ni Jessy.

“Sabi ni Direk Chito, he wants to see a different side of me. Ngayon, sobrang different. Ibang-iba sa Maria Mercedes na nakasanayan.”

What could the audience expect from her new role? Sagot ni Jessy, “It’s a mature role. It’s not sexy. Mature in a sense that mature din iyong topic, issues, and storyline namin. It’s very sensitive and very out-of-the-box. Iyon ang dapat nilang abangan. It’s a tragic family love story.”

Ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang sa pelikulang ito na kauna-unahang pagtatambalan nina Lloydy at Jessy.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.