Jessy Mendiola, bagong babae sa buhay ni Gerald Anderson!

ANG TEEN ACTRESS na si Jessy Mendiola ang bagong babae sa buhay ni Gerald Anderson ngayon. Pero bago pa man mag-react ang mga fans, ito ay para lamang sa upcoming ABS-CBN series na Budoy na pagbibidahan ni Gerald. Gaya ng nauna nang napabalita, si Jessy ang napisil na maging bagong leading lady ni Gerald sa Budoy which tackles the lives of mentally-challenged people.

Kumpleto na raw ang cast ng series at ginagawa na ang script. “Ang gagawin na lang po namin, rorolyo na kami tapos eere,” kuwento ni Jessy sa Showbiz News Ngayon (SNN).

Tingnan mo nga naman ang suwerte ni Jessy. After starring in her biggest break on Sabel, she joined ASAP Rocks kung saan siya kabilang sa Dance Quad at gumanap siya bilang si Isabel Valderama sa Agimat: Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla Presents: Bianong Bulag.

Kaya naman nag-uumapaw ang pasasalamat ni Jessy sa ABS-CBN dahil sa pagtitiwalang i-binigay sa kanya rito sa Budoy. Puring-puri rin niya si Gerald na una na niyang nakatrabaho sa Kung Tayo’y Magkakalayo. “Mabait naman po si Gerald. Wala akong masasabi kay Gerald. Sa layo ng narating niya, parang iyong level niya nandoon na tapos ganoon pa rin siya ka-humble. Nakatrabaho ko na po siya before sa Kung Tayo’y Magkakalayo. Parang hindi naman po siya nagbago,” she said.

Kinakabahan ba siya sa mga Ki-meralds? Kilala kasi ang mga fans sa kanilang hindi matatawarang katapatan kina Kim at Gerald. Hindi nga ba’t Kimerald supporters would spend cellphone loads just to vote in our poll questions on SNN? Ipaglalaban talaga nila ang kanilang mga idolo maubusan man sila ng mga cellphone loads sa pagboto, mawalan man sila ng mga boses sa kasisigaw, mainitan man sila ng matin-ding sikat ng araw at pumila man nang matagal masilayan lang sina Kim at Gerald. Kaya naman parang may people power revolution kapag may nababalitaan silang balak itambal sa iba ang kanilang mga idolo. Pero nauunawaan natin ito dahil tulad nila, ako man ay isang masugid na fan nina Guy at Pip.

Inamin ni Jessy that she is receiving hate messages from some Kimeralds. “Ngayon pa lang inaaway na ako sa Twitter, sa Facebook ng mga Kimerald. Pero naniniwala naman po ako na hindi lahat ng Kimerald ganoon ang ugali. Sobrang mahal lang po talaga nila si Kim at si Gerald na magkasama,” sabi niya. “Pero eventually matatanggap naman din nila kasi kung idol talaga nila si Gerald, kahit sinong ipares kay Gerald mamahalin nila katulad kay Kim,” dagdag niya.

In this business, actors need to expand and grow in their careers. At kabilang dito ang mga taong kanilang makakapareha at projects na gagawin. I think the public has to get used to seeing Kim and Gerald working with different partners from now on. Nagawa na ito ni Gerald with Sarah Geronimo in Catch Me I’m in Love na pumatok naman sa takilya ang kanilang tambalan at ni Kim who is now paired with Matteo Guidicelli on the upcoming teleserye My Binondo Girl.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

9 thoughts on “Jessy Mendiola, bagong babae sa buhay ni Gerald Anderson!

  1. hindi naman lahat ng kimerald mind you baka nagpapanggap lang yan dahil pagtutuo kang kimerald mahal sila pareho & sinusuportahan sila individual makikita naman na nanunuod  & pumupunta sa taping nila..

  2. para namang obsessed yung fans nina kim and gerald..grabe mang-away..dapat talaga laging silang dalawa lang ang magkapareha? kawawa naman

  3. y do kimerald fans keeps on bashing other artists just to protect their well-loved loveteam? but why is it that they can’t have a blockbuster movie?they can’t even have 100M gross in a movie! c’mon, let your idols have other leading lady/man! let them grow, let’s all be fair. i’ll go for jessy/gerald loveteam!

  4. nice leading lady for gerald. natural beauty c jessy, super puti at WALANG RETOKE from head to boobs. if u compare her old pics in avon brochure, la talaga nabago sa mukha at kulay. like her nose!

  5. tamahhhhhhhhhhh!!! trabaho lang naman yan,,…sino vah naman ang hindi gusto sa trabaho nayan ,,in cost of money nah noh,,kaya its there choice to work 4 there needs..hahaa

  6. PAPAANO NA SI SAARAH GERONIMO. LABS PA NAMAN NIYA SI GERALD. NAPURNADA NA NAMAN ? DI BA AKALA NG MARAMI., ITEM NA SILA ? ANO IYON, PUBLICITY GIMMICK ?

  7. ingget ka baklang kalbo? inagaw mo na nga BF ni sweet dati. di ka kuntento sa BF mo. ilan pa kaya sa mga young actors ang nahada at hinalay mo nah? mako kris, bantayan si josh at kuya PNoy mo noh!

Leave a Reply

Your email address will not be published.