Jessy Mendiola, aminadong kinikilig sa panliligaw ni Jake Cuenca

SA PRESSCON ng Maria Mercedes, hiningan namin kaagad ng rekasyon si Jake Cuenca sa balitang lumabas kamakailan na nabugbog daw siya sa isang bar sa The Fort ilang linggo na ang nakararaan. Duguang inilabas daw sa nasabing bar kung saan ang nakaaway raw ng aktor ay galing sa isang kilalang angkan ng mga pulitiko.

Ikinuwento ni Jake na nanggaling talaga siya sa isang bar, may isang lalaki na bumangga sa kanya na hindi niya kung lasing ba o hindi, pero hindi nagkaroon ng away o kahit man lang ng palitan ng salita sa pagitan nila.

Minsan na ring nasangkot s ganitong klase ng mga gulo, kung saan sa bandang huli ay siya ang laging lumalabas na masama, ni hindi nalaman ni Jake ang pangalan ng bumangga sa kanya o kahit ang hitsura nito. Umiwas na lang talaga siya, lumabas ng nasabing bar dahil may mga kasama siya ng oras na ‘yun at ayaw niyang madamay ang mga kaibigan sa gulo.

Sa nasabing presscon din, naging bukas sa pagsasabing may gusto siya sa kaparehang si Jessy Mendiola at kahit ‘di sanay manligaw ay gagawin niya kung ito ang gusto ng aktres. Agad na tinanong kung handa ba siyang makaribal si Sam Milby na ayon nga kay Jessy ay consistent sa panliligaw sa kanya, ayon kay Jake ay ‘di siya nakikipagkumpetensiya kay Sam lalo’t kaibigan niya ito. Nagkataon lang na gusto niya rin ang kapareha at handa siyang ipaglaban ito.

Aminadong nahirapan siya sa nakaraang mga buwan dahil sa paghihiwalay ng landas nila ni Lovi Poe na klinaro ni Jake na nag-date sila pero hindi sila nauwi sa totohanan talagang relasyon. Siniguro sa amin ng aktor na kung magiging sila ni Jessy ay hindi niya ito itatago sa publiko, aaminin niya ito lalo’t wala naman daw siyang naging girlfriend na ‘di niya inamin at pinanindigan ‘pag naging sila na.

Sa kabilang banda, proud at aminado naman si Jessy na kinikilig siya sa panliligaw sa kanya ni Jake. Wala man sa pokus nito ngayon ang pakikipagrelasyon at nakatuon nang buong-buong atensyon sa kanyang showbiz career, kung saan isa siya sa inaalagan talaga sa ngayon ng ABS CBN, ‘di naman tinago sa amin ng aktres na sobrang ikinatataba ng puso niya ang malaman na may mga tao palang nakaa-appreciate sa kanya bilang isang babae.

 

PAGKATAPOS NG ‘di birong hirap, kaba at pressure na naranasan ni Megan Young bilang representative sa 2013 Miss World, ngayon ay nagbigay ng karangalan sa bansa ang actress-turned-beauty queen, kung saan siya ang tinanghal na pinakamagandang babae sa nasabing patimpalak.

Hindi nagtagumpay ang ilang bashers ni Megan na para siraan ay pilit inuungkat ang pagkakaroon daw ng larawan ng aktres na kita ang dibdib na hindi naman pala. Ngayon ay nagbunga ang lahat ng pagsisikap ng aktres, kung saan siya ang kauna-unahang Pilipina na nakapag-uwi ng nasabing napakalaking karangalan sa bansa.

Dito rin namin nakita ang butihing ina ni Megan, kung saan alam na namin kung saan kumuha ng talino sa pagsagot ang aktres. Ramdam namin ang sobrang pagka-proud niya sa karangalang nakuha ng anak sa kabila ng hindi pa ina-announce ng oras na ito si Megan bilang Mss World.

Para kay Megan, kay Ms. Cory Quirino at sa lahat ng bumubuo ng Miss World, ang aming taos-pusong pagbati at pasasalamat. Mabuhay kayo!

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

9 thoughts on “Jessy Mendiola, aminadong kinikilig sa panliligaw ni Jake Cuenca

  1. Trying hard at di marunong mag English itong Jessy WHO. Linublob lang sa espasol ang mukha pero ZERO sex appeal. No fanbase, no talent, no future! Pinartner pa sa isang hubadero at pa-booking na laosiandeep, hakhakhakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.