Jessica Soho, tinitira sa social media dahil sa isyu kay Vhong Navarro

Jessica-SohoMAGING SI Jessica Soho ay inumpisahan na namang i-bash ng mga sumusubaybay sa kaso ng pambubugbog ke Vhong Navarro. Nariyang isine-share din nila ang “State Of The Nation” newscast ni Jessica kung saan malinaw nitong sinabi sa kausap na field reporter na, “Kailangan pa ba ang CCTV footages para gawing ebidensiya ng NBI?”

At ‘yung isa pa: “So ang mga CCTV footages ay tumutugma sa mga salaysay ng kampo ni Cedric.”

At kami mismo ay umaray ko po sa tanong at statement na ‘yon ni Jessica sa field reporter na puro playsafe lang ang mga isinasagot kay Jessica.

Juice ko naman, kahit naman siguro si Jessica ang ma-rape (no pun intended) at nakakuha ng CCTV footages, madadali ang paghuli sa mga gumahasa sa kanya.

Gano’n lang naman ‘yon kasimple.

Pero siyempre, kami ay isa ring TV host, kaya gusto naming intindihin si Jessica na kung minsan, ‘yung nasasambit niya ay wala sa loob niya o namali ang kanyang pag-construct ng sentence, dahil hindi lang niya talaga mahagilap ang mga tamang words na dapat sabihin sa ere.

Hindi ko rin naman sasabihing na-misinterpret lang si Jessica, dahil malinaw nga ang tanong niya na parang ang dating sa ibang spectators ay, “So, ang ibig sabihin ni Jessica, ba’t ipinakita pa ‘yung CCTV footages eh, wala rin namang kuwenta ‘yon?”

Anyway, kung ‘yung iba ay hindi pa napatawad si Jessica, kami ay naiintindihan namin kung saan nanggagaling si Jessica.

Hashtag alam na.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

8 thoughts on “Jessica Soho, tinitira sa social media dahil sa isyu kay Vhong Navarro

  1. gma tagline: walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan serbisyong totoo lamang. guwaaaaarrrrkkkk. nasuka ako bigla.

  2. nawats koung episode naun pero wala akong matandaang sinabing gnon c jessica…onda contrary maganda ungmga tanong nyadunsa field reporter namga pglilinaw…dikona ngalang maalala mga exact questions n statements nya…

  3. You clearly distorted, where’s your logic? you must correct this, Jessica!!! I follow how channel wars are being kept alive, and you are the most consistent.

    At ‘yung isa pa: “So ang mga CCTV footages ay tumutugma sa mga salaysay ng kampo ni Cedric.”

  4. TOTOO ba yung chismis na babaligtad si Denise para idiin si Cedric lee sa kaso ni Vhong? Kapamilya din kasi si Denise at sabik ang hitad sumikat.

  5. DI DAPAT AY MALINAW NA NAUUNWAAN NG MGA VIEWERS ANG SINASABI NG HOST. RESPONSIBILITY YAN NG HOST, MORE KUNG KATULAD NI SOHO NA MULTI-AWARDED AT LEGEND NA SA FORTE NIYA. IISA ANG CONCLUSION DIYAN, MAY BINIBIGYAN SIYA NG PROTECTION. IT RUNS PARALLEL SA NAUNANG REPORT NG GMA NUNG KARAKA-RAKA AY SINABI NILA NA SI VHONG ANG RAPIST. LAHAT NGA WERE SURPRISED KUNG PAANO NILA NATUKOY KUNG SAAN ANG POLICE BLOTTER. STRANGE. CONNECT THE DOTS. DI RIN NAMAN DAPAT IPAGTAKA YANG ATTITUDE NI SOHO KASI KAPAMILYA ANG INVOLVED. SHE WILL NOT MAKE HER WAY TO COMPLETELY CLEAR VHONG. ANDUN PA RIN YUNG HATRED NIYA SA KAPAMILYA. OF COURSE SHE WILL DENY THAT.

Leave a Reply

Your email address will not be published.