Jessa Z. reacts on Dingdong-Rachel concert

AYAW MAN NI Joey De Leon, simula na naman ang patutsadahan sa pagitan nila ni Willie Revillame.

May isang request si Joey kung sakali raw isusulat ang kanyang one-liner sa komento ni Willie tungkol sa mga shows nila noong isang linggo: hindi siya ang nagbukas ng topic, hindi siya ang nagpasimula muli ng sagutan nila at sumasagot lang siya at ayaw niya talaga itong pag-usapan. May bago kasing show si Joey sa GMA na Joey’s Quirky World na magsisimula this March 1st, Linggo, bago mag SOP at kapalit ng Takeshi’s Castle at gusto niya sana, ito na lang ang pag-usapan.

Kaso, isang manunulat ang nagtanong sa kanya kung napanood niya raw ang episode ng Wowowee kung saan na phone patch si Willie sa kanyang hospital at nasabi ng host na pinanood niya raw ang Eat Bulaga and in fairness daw, mas maganda pa rin ang kanilang show. Tuloy, na-one-liner siya ni Joey na may sakit na nga raw ito, walanghiya pa rin. Later on, naikuwento ni Joey na napanood nila ang nasabing episode at nagdesisyon na nga silang huwag itong patulan.

Talagang tinanong lang si Joey about this in fairness at kahit ayaw niya na, napilitan lang siyang sumagot.

SI DRA. VICKI Belo rin, may one liner sa Calayan at pati na rin kay Kuya Boy Abunda.

Pagkatapos ng matagal na pananahimik, back to back ang naging guest appearance ni Dra. Vicki sa TV; first sa bagong SNN show nina Kuya Boy at Kris Aquino sa ABS-CBN kung saan nagkaayos sila ni Kris and last Sunday naman, sa Showbiz Central ng GMA kung saan siya ang umupo sa mas nagiging kontrobersiyal na segment ni Mo Twister na Gimme Mo. Dito, limang tanong ang kailangang sagutin ng guest at sa unang tanong pa lang sa kanya, ka-tumbling-tumbling na.

Ang tanong talaga, sa lahat daw ng mga artista, kanino siya pinakanahirapan dahil sa dami ng dapat baguhin sa katawan. Nasagot niya ito nang maayos pero sa sundot about competition, nag-dialogue ang doktora na ‘I’d like to say, if you want to look like Boy Abunda, then go to Calayan. But if you like to look like Dingdong Dantes and Piolo Pascual, come to Belo.’ Sinundan niya naman ng joke lang daw ito pero…

Basta kami wait ng sagot nina Dr. Manny and Pie Calayan at ni Kuya Boy na rin.

PUMAYAG SI JESSA Zaragoza na mag-concert reunion sina Dingdong Avanzado and Rachel Alejandro.

Sa isa pang Mo Twister interview – pero sa radio – nag-ugat ang hindi pagkakaunawaan nina Jessa and Rachel. Sa 40 Forbidden Question noon, sa tanong na kung sino ang nakauna sa kanya, walang takot na sumagot si Rachel na si Dingdong daw, ang ex niya na asawa na ni Jessa. Of course nagulat ang mag-asawa na bakit kailangan pang sagutin man lang ang taong at magkabulgaran pa. Ngayon, dahil uso naman ang reunion concert, mayroon din sina Dingdong and Rachel.

Entitled Music and Lyrics dahil ang centerpiece ng concert this March 7 at 9 pm sa Metro Bar ay ang 1995 Awit Award Song of the Year and Ballad Recording na Paalam Na na music ni Dingdong at lyrics nila ni Rachel, isang seryosong usapan muna sa pagitan nina Rachel at Jessa ang nangyari bago ito natuloy. Ang kay Jessa, wala namang problema sa kanya kung magkasama sa concert ang asawa niya at ang ex nito dahil minsan, nagkasama na rin silang tatlo sa concert sa USA, eh.

Basta malinaw lang ang usapan, concert lang ito.

Merese
by Dinno Erece

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.