Jerome Ponce, nagmukhang engot nang isabay sa hosting ni Robi Domingo

MAGALING SI Robi Domingo sa hosting at napapatunayan niya ‘yan sa ilang mga segments ng ASAP tuwing Sunday and also sa The Voice of The Philippines.

Last Sunday nagmukhang engot ang baguhang si Jerome Ponce na nagkalat nang nakipasabayan kay Robi sa isang segment.

I don’t know kung biglang salang itong si Jerome at hindi alam kung ano ang sasabihin (may spiels ba na pini-feed ang mga writers sa mga bagets stars na ito?).

Magandang exposure na sana ito para kay Jerome na gumaganap naman bilang binatilyong anak ni Ser Chief sa Be Careful With My Heart, pero waley at sinayang niya ang pagkakataon.

Sablay si Jerome na tuloy maikukumpara mo ang talentless hosting niya sa kalibre ni Robi.

Siguro sa susunod, iwasan na lang ng ASAP people na ang mga talents ng Star Magic kung hindi pa sila ready sa kanilang gagawing on-cam or huwag na munang isalang kasabay ng mga mas magagaling sa kanila.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

8 thoughts on “Jerome Ponce, nagmukhang engot nang isabay sa hosting ni Robi Domingo

  1. di naman siguro engot kase alam naman naten na newbie palang si jerome . Kaya nga sya isinasabak sa hosting para masanay at itinatabi sa magaling maghost para may umalalay

  2. Hindi magkakaganuon ang isang newbie kung inalalayan sana ng experienced na si Robi. Eh alam naman niya na bago lang so dapat inalalayan niya. Ang daming mahuhusay na host na hindi na bablanko ang co-host dahil me support. Eh in the case of Robi eh alam niya ang caliber niya lalo pa niyang pina-star ang sarili at the expense of the newbie.

  3. as if naman hindi nagdaan sa pagiging mukhang tanga si robi, naalala ko noonng bagong labas sila sa big brother’s house, wala ring ginawa kundi nakanganga sa pagkakangiti na hindi rin alam ang gagawin sa harap ng camera, syempre mostly lahat ng baguhan nagmumukhang engot pag hindi pa sanay

    • FEELINGERO NGA ANG DATING NYANG SI ROBI. NAG-ARAL PA KUNO SA ATENEO NG PRE-MED. AYAN, SHOWBIZ CAREER PALA ANG HANAP. HAHAHAHA

      • mahilig talagang manapaw yang si robi, sinapawan na rin niya dati si paulo avelino dati sa show ni sarah na sara g live

  4. Ha ha ha… Napanood ko po yan RK. Wala siya ginawa kundi sumingit-singit na hindi alam ang ginagawa. kaloka. cuties sana kaso waley. Ni Hindi nga makapag-english.

Leave a Reply

Your email address will not be published.