Jerome Ponce, maraming natutunan sa Walwal Boys

Jerome Ponce

PROUD si Jerome Ponce dahil via the film Walwal ni Direk Joey Javier Reyes ay nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan.

Medyo introvert si Jerome dahil feeling niya, “maliit or mababa” siyang tao kumpara sa mga kasamahan na sina Elmo Magalona, Kiko Estrada at Donny Pangilinan na mga ka-walwalan niya sa pelikula na produced ng Regal Entertainment.

Yamamin ang mga new set of fried ni Jerome since magsama-sama sila sa pelikula about barkadahan at kalokohan.

“Puro mga high class yung buhay nila. Ako, simple lang, pero nagkakaintindihan kaming lahat. Hindi ko nararamdaman na parang kahit pa mayayaman sila,” pahayag ni Jerome sa mga bagong kaibigan.

Sabi pa ng actor: “Marami akong natutunan sa kanila, the way makipag-usap, the way sa buhay kasi kapag magkasama kami, we talk about life, yung goals namin, ganun.

“Hindi ko inisip na baka nagsho-showbizan lang kami o nagpapataasan lang kami,” paliwanag ng actor tungkol sa mga co-stars niya sa pelikula.

Pagpapatuloy pa niya: ”Si Kiko, Ejercito siya, siyempre, sa GMA, kilalang actor din siya. Si Donny, sobrang open niya sa maraming bagay, even with Elmo,” sambit niya.

Malaki ang gratitude ng actor sa mga ‘bagong kaibigan’ niya :´Sobrang laki ng pasasalamat ko na nagkaroon ako ng bagong set of friends.”

WALWAL Boys Elmo Magalona, Jerome Ponce, Kiko Estrada and Donny Pangilinan

Sabi pa ni Jerome tungkol kina Elmo, Kiko and Donny: “Yong natutunan ko, iba siya. Hindi bad, puro good ang nakita ko. Katulad ni Donny, kahit sobrang ganda ng buhay nila, Tagalog siya (magsalita) at marunong makisama, hindi siya maarte, go with the flow. Si Kiko, nagshe-share siya amin. Si Elmo, kahit Magalona siya, hindi mo mararamdaman na royal siya, it’s just iyon siya.”

Sa barkadahan at kalokohan movie ni Direk Joey, makakasama ng mga Walwal Boys ang mga Walwal Girls na sina Kisses Delavin, Devon Seron, Jane de Leon at Sofia Senoron at showing na sa darating na June 27 sa mga sinehan nationwide.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.