Jerick Dolormente ng Starstruck matagal nang gustong mag-artista

Jerick Dolormente of Starstruck

MALAKING advantage para kay Jerick Dolormente ng  Starstruck Final 14 ang maikumpara sa Kapuso heartthrob na si Alden Richards. Si Jerick ay isa sa dalawang kasama sa Final 14 na nagre-represent ng Bicol.

“Sabi po nila, unang tingin daw sa akin may hawig ako kay Alden. Siyempre, masaya po ako, pero iniisip ko kung totoo talaga. Hahaha.

     “Tapos titingnan ko ang sarili ko kung saan banda nga ako kahawig ni Alden,” reaksyon ng binata.

Eh, sa tingin niya saan nga ba sila magkahawig ni Alden?

Sagot ni Jerick, “Sa mata po siguro. Tsaka pag nag-smile ako. Hahaha.”

Matagal nang gusto ni Jerick na mag-artista kaya lang hindi raw niya alam kung paano ito sisimulan.

“Bata palang ako Tito gusto ko nang mapanood sa TV ang sarili ko, pero hindi ko alam kung paano yon gagawin.

“Pangarap ko talaga maging artista. Nung nakaluwas ako ng Manila, don na ako nakapag-umpisa, sa mga taping, hanggang sa naswertehan ko na makapasok sa Starstruck, at dito na nagsisimulang matupad unti-unti ang pangarap,” pahayag pa ni Jerick.

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

10 thoughts on “Jerick Dolormente ng Starstruck matagal nang gustong mag-artista

  1. Go go go Kuya Jerick!!! Iba talaga ang mga bicolano napa talentadooo!!! Laban lang andito lang kaming lahat to support you always We love you mwuaaaa!!!

  2. Ganyan bagay sya maging aratista napaka talentado tao niya tubong bicolano mga oragon kaya dnatin maikakaila na nasa puso niya na ang pagiging artists dahil sa determination niya

  3. Yes bagay na bagay namn sakaniya maging isang artista kitakita sa out look and mismo sa characters niya

  4. One of the humblest person I’ve met. Napaka selfless.
    I hope he’ll make it to the finale as he have the qualities of what starstruck is looking for. A dreamer. A believer. A survivor. 💕

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.