Jericho Rosales plans to collaborate with Sugarfree and Parokya ni Edgar

KUNG NOON, AYAW na ayaw ni Jericho Rosales na ‘napapakialaman’ siya pagdating sa kanyang musika, this time, ‘bumigay’ ang singer nang after a long while, siya na ang dumulog sa Star Records para ang kanyang mga demo eh, mapakinggan ng mga kinauukulan.

Sa kanyang contract signing with Star Records na sinaksihan ng kanyang manager na si Angeli Pangilinan-Valenciano at ng Star Records executive na si Annabelle Regalado, inamin ni Echo na there was a time na nagpakita na ng interes sa kanya ang Star Records, but that time dahil may pagka-rebelde pa siya, hindi niya pinahintulutang mapakialaman sa kahit anong paraan ang kanyang musika, lalo na ang kanyang mga compositions.

Pero ngayon, mas mature na raw si Echo at nalaman na niya ang mga dinaraanan talagang proseso before you can come out nga with an album. Natuwa naman siya sa naging reaksiyon ni Ms. Annabelle nang tanungin na siya nito kung siya nga raw ba ‘yung narinig niya sa mga ipinadala nitong demo.

Pansin nga ng marami, para ‘atang kung kelan nawalan ng lovelife ang aktor eh, at saka naman siya muling umariba ng husto sa kanyang career. Nagsasabay na ang pagiging aktor at musikero niya.

Marami ang siguradong magugulat sa album ni Echo na nakatakdang i-release ng Star Records. May collaboration siya sa iba pang artists at meron din siyang mga kantang ginawa para sa mga babaeng espesyal sa kanya. Take note, ‘mga.’ Nagsisimula ba ang letra ng mga pangalan nila sa K at C?

SABI NG MGA miron, umamin na rin daw si Aubrey Miles sa isang kasinungalingang pinangatawanan niya sa mahabang panahon, ang pagkakaroon ng anak bago pa nga sila magsama ni Troy Montero, sana raw eh, sinabi na rin nito kahit na initials ng ama ng kanyang panganay.

Sabi naman namin, kung may sarili nang pamilya ang nasabing ama ng kanyang anak o kaya naman eh, may buhay na itong hindi na kailangan pang makaladkad sa kanyang pag-amin, wala namang masama kung hindi na muna nito sinabi ang identity ng ama ng kanyang panganay, na itinuring na ring anak ni Troy.

Ang mga nagtatanong sa akin, nagbibigay ng initials, ha? Although tanong pa rin naman ang paghahain nila nito. Kung J.O. raw ba ang initials ng tatay ng kanyang panganay. Ang alam ko, parang nakilala na namin ‘yun a long time ago, eh…

SANGKOT NGA LANG sa insidenteng naganap sa Boracay ang SexBomb girls na sina Rochelle Pangilinana at Aifha Medina at nagtanggol din sa kasama at kaibigan nilang si Michelle Villanueva, pero natuon ang pansin sa dalawang SexBomb.

Sa presscon ng 22nd season ng Daisy Siete na Kambalilong, halos maiyak na si Rochelle sa pagsasabi ng tunay na naganap sa nasabing insidente.

Hindi nila ma-take ang dating ng diumano’y pagmamayabang sa kanila ng nakabangga na ipinagmamalaki sa kanila ang pagkakaroon nito ng diplomatic passport, dahil nga sa salaysay nito, nakasaad naman na ‘kasal’ siya sa isang foreigner.

Naapektuhan din naman ang manager ng SexBomb na si Joy Cancio dahil nga sa mga paratang na ipinukol sa kanyang mga alaga.

Pero gaya ng sabi ni Arnell Ignacio, na kasama sa season na ito ng Daisy Siete kay Rochelle, mas mag-worry siya kung nasangkot sila sa gulo na hindi sila ang pinag-usapan at kung sino lang ang binigyan ng pansin. Siyempre nga naman, sila ang kilala kaya sila ang babatikusin.

At ngayong nalinawan na raw ang gulo at ang mga totoong involved na ang maghaharap-harap, napatunayan na rin naman daw na out ang dalawang SexBomb girls sa kung anumang kaso ang meron.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

2 thoughts on “Jericho Rosales plans to collaborate with Sugarfree and Parokya ni Edgar

  1. kris and boy this message for echo that I will have my support for echo the New CD. of he songs, and I hope that
    the names he told was start of K, because went check them in the youtube of them together with K and him was still there the magic of the true love and stonger partnerships and positive of team-work, this two in the real life was a made in the kingdom of heaven echo the gift of the angel was send to you and the start of K not the C they tell me that echo you will only be a good, friends, and it will be fine, to have a good friend I hope echo you have a chance to read this my message from you. I have some things to tell to you, I hope that you have chance to read this a simple words to you echo, listen to the sound of your soul the truth of your destiny lies in your heart and soul-mate was start of K… because your close and reunion of K was your luckey in your project, and showbizzs. echo the angel of heaven are always in your side just call them of kingdom of god… echo more power with you and also with K…..

    fr NSW………………….

  2. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #52

Leave a Reply

Your email address will not be published.