Jericho Rosales, patuloy na pinasasaya ni Cesca Litton!

LOVE IS DEFINITELY in the air! Is love really blossoming between Jericho Rosales and Cesca Litton, our very own SNN reporter?

Malinaw na talagang nakapag-move on na si Echo from his past relationship. If Echo was in the eye of a storm before because of his lovelife, sana naman ngayon ay maging maayos na ang lahat para sa kanya.

There were hits and misses in his lovelife at na-link din siya sa ibang girls but this time, Echo finally admitted that he is happy right now, which to many is tantamount to saying na masaya sila ni Cesca.

Nagsimula ang usap-usapan tungkol sa dalawa after they have been spotted together several times since last December.

Nakiusap si Echo na huwag na raw ungkating masyado ang relasyon nila ni Cesca. “I can’t talk much about it anymore because I want to keep it private na lang muna. I’m sorry but I’m really careful.”

Hindi ko lang alam kung matutupad ang kahilingang ito ni Echo. Afterall, he is a star while Cesca is a showbiz reporter. Iisang mundo lang ang kanilang ginagalawan. At dahil dito, everything about them becomes public gaano man nila itago ang kanilang gumagandang ralasyon. The public is curious about their lives, kung saan sila nagde-date, anong gifts ang ibinibigay nila sa isa’t isa at kung ano ang laman ng kanilang mga text messages for each other. Ano rin kaya ang pakiramdam ni Cesca kapag si Echo naman ang kanyang iinterbyuhin? At turuan din kaya ni Echo si Cesca na mag-surfing?

There were photos of them posted on the internet including their recent trekking to Mount Pulag. May balita rin na binigyan daw ni Cesca si Echo ng aso.

Echo looks blissful at iyon ang mahalaga. “I’m really happy with my life now.” Masaya nga si Echo dahil bukod sa kanyang lovelife ay masigla rin ang kanyang career. He is currently filming a movie with Gabby and KC Concepcion.

Echo is a good friend. I am happy for him. I pray that everything will turn out okay because he deserves to love and be loved in return.

And of course I adore Cesca. She’s simply gorgeous inside and out.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

3 thoughts on “Jericho Rosales, patuloy na pinasasaya ni Cesca Litton!

Leave a Reply

Your email address will not be published.