Jericho Rosales, never to fall again for a showbiz girl!

PALIBHASA NAGHAHAMON ANG bagong reality show nina Jericho Rosales, Iya Villania at Melai Cantiveros na I Dare You, nagpaka-daring na rin kami sa one-on-one interview kay Echo. Ayon sa aktor, lahat nang hamon sa buhay ay hindi niya uurungan. “I believe na walang bagay na dara-ting sa buhay ko na hindi ko ka-yang harapin,” diretsong sabi niya.

Pinakamabigat na challenge na dumating sa buhay mo? “Siguro noong bata ako na naghiwalay ang parents ko, pero na-overcome ko na ‘yun. But because of that, nabuo ‘yung character ko kung sinuman ako ngayon, ‘yun ang tumulong sa akin. Siyempre, okay na kami ng nanay at tatay ko. Isa pa sa pinakamabigat na challenge para sa akin ‘yung medyo nag-lie-low ako nang kaunti because I chose music.

“Ang challenge du’n ay pagi-ging humble, papaano sipain ‘yung pride. Kumbaga, nilunok ko ‘yun, tinanggap ko ‘yung mga pagkakamali ko. Isa rin ‘yung kay Heart Evangelista. If you are talking about the relationship, isa ‘yun sa pinaka-intense. It’s very challen-ging but I’m glad, I’m okey,” turan ng aktor.

Papaano mo siya na-overcome? “Acceptance and forgiveness,” say ni Echo. Sa tono ng pananalita niya, para bang wala nang chance na someday magkabalikan muli sila ni Heart. “Hindi ko masabi kung ano talaga ang gusto ni Lord para sa akin. All I can say, move on with your life. Sa ngayon, okey na ako and I’m very happy that I’m okey. I’m glad na ang puso ko’y malaya.”

Sa totoo lang, parang hindi nagtatagal ang mga past relationship ni Jericho, bakit nga kaya? “Hindi ko alam, it’s either hindi boto sa akin ‘yung mga magulang or it’s the pressure being in showbiz. Mga kaibigan ko nga, sinasabi sa akin na I-try ko raw na hindi showbiz. It’s gonna work noon kami ni Chesca Litton, hindi maingay. Gusto ko ‘yung ganoong klaseng relationship. Maybe ‘yung next, baka hindi showbiz.” Inamin ni Echo na wala siyang girlfriend sa ngayon. “Hindi ko itatago ‘yun pero siguro hindi siya showbiz.”

Kaya ba non-showbiz ang gusto ni Jericho na maging girlfriend ay dahil sa experiences na naranasan niya? “Sa experience na dinaanan ko, masarap ‘yung tahimik na relationship. Puwede ka ring magkaroon ng tahimik na relationship. Hindi nga lang maiiwasan mapag-usapan kayo, titingnan kayo palagi, ‘di ba? Somehow, I manage naman to keep my relationship in one corner, para sa akin. Parang ganu’n ‘yun, alam ko na kasi, hinihiwalay ko ‘yung trabaho ko sa personal kong relationship.”

Mag-a-agree ka ba mas sumisikat ang isang artista kung kapwa artista ang karelasyon? “Well, yeah, hindi ko kasi ginagamit ‘yung pag-aartista ko para mag-benefit ‘yung career ko. Labas talaga ‘yun, I’m here for one sole reason pero ako, hindi ko iniisip kung ano ‘yung magbe-benefit sa akin. Ano ‘yung makabubuti sa relationship ninyo. Knowing na ganito ako, ganito siya.”

Ano ‘yung natutunan ni Echo sa past relationship na ina-apply niya sa ngayon? “Maging understanding ka. You know, learn to accept each other kung ano sila. Kung ano siya, hindi ‘yung kung sino siya. Relationship kasi, kailangang dalawa kayo, hindi laging tungkol sa ‘yo. Sino ‘yung may mabigat na   res-ponsibility. Kung mayroon mang the best relationship, hahanapin ko, a relationship na God-centered para I don’t have to worry anything. I want to have someone who loved God more than she love me. Kasi, kapag ganu’n, wala na akong problema du’n. Hindi na siya gagawa ng kalokohan. Hindi na siya gagawa ng mali, parang ganu’n, may sentro siya.”

Sino nga ba talaga si Jericho Rosales na hindi alam ng publiko? “Iba ‘yung trip ko sa normal na ano, adventurous ako. One thing na hindi alam ng lahat is that, I have a soft heart pagda-ting sa animals. My life is an open book, I love cars. Mahilig akong makipag-jamming sa barangay tanod. Magka-kape, magkukuwentuhan, mga ganu’n so, ‘yun ang trip ko. Kausapin ‘yung mga normal na tao, makipagkulitan sa mga tao.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Jericho Rosales, never to fall again for a showbiz girl!

  1. Sana wag ka na luminya sa music! Sobrang trying hard kasi ng dating mo kapag kumakanta! Ang OA masyado lalo na facial expression mo… hindi naman ganun kagandahan boses mo. Sa showbiz ka na lng, koya!

Leave a Reply

Your email address will not be published.