Jericho Rosales, nasa kulungan?

Jericho-RosalesANG TV at film star na si Jericho Rosales ay ang pinakabagong celebrity na sumali sa kampanya ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia upang ilipat ang elepante na si Mali mula sa kongkretong kulungan sa Manila Zoo na nagdudulot sa kanya ng sakit at potensyal na nakamamatay na malalang karamdaman sa mga paa araw-araw tungo sa isang malago and luntiang santuwaryo kung saan sa wakas siya ay makakatanggap ng sapat na pag-aalagang beterinaryo at makakasama ang iba pang mga elepante. Si Rosales ay kasama nila Charice, Aiza Seguerra, Dingdong Dantes, Kim Chiu, Xian Lim, Sam Milby, Marian Rivera, at marami pang mga bituin na nag-pose para sa “mug shot” upang suportahan ang paglipat ni Mali. Bilang karagdagan, karamihan sa mga respetadong mga eksperto sa elepante sa buong mundo, kabilang sila Dr. Dame Daphne Sheldrick, Dr. Philip K. Ensley, at Dr. Vicki Fishlock ay nagpahayag ng kanilang suporta sa paglipat. Ang larawan ni Rosales ay naka-attach at maari din makita sa Facebook page ng kampanya.

Bilang karagdagan sa pagiging tampok sa bagong print ad, si Rosales ay lumabas din sa isang video public service announcement (makikita dito, ang broadcast-quality version naman ay makikita dito) kung saan siya ay nanawagan para sa kalayaan ni Mali. “Ang lahat ng mga scientific evidence ay nagsasabi sa atin na si Mali ay malungkot at lubhang nangangailangan ng pag-aalagang beterinaryo,” sabi niya. “Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit ang paglipat ni Mali ay hindi pa nangyayari—siya ay nararapat sa isang buhay na higit pa kaysa sa kapaligiran ng Manila Zoo.”

Si Mali ay halos hindi nakakatanggap ng mahalagang pag-aalagang beterinaryo ng higit sa 36 na taon, kaya siya sa nagtitiis sa palagiang sakit mula sa lumalalang problema niya sa paa. Gayundin, ang mga elepante ay napakahilig makipagtipon sa mga kapwa nila at lubhang nalulungkot sila sa kawalan ng iba pang mga elepanteng makakasama. Si Mali ay nag-iisa, kaya kailangan na siyang mailipat sa lalong madaling panahon.

Kahit na ang elephant exhibit sa Manila Zoo ay ma-doble o ma-triple sa laki, hindi pa rin ito magiging sapat bilang tirahan ng isang elepante, mas lalo na kung madaragdagan pa ito ng mga bagong elepante. Habang ang mga zoo sa buong mundo ay gumagastos ng mahigit 2 bilyong piso sa pagtatangka na maangkop ang sukat ang kulungan ng mga elepante, padami ng padami ang mga zoos na naiintindihan na ang mga komplikadong pangangailangan ng mga hayop ay hindi maaaring makamit sa captivity. Ang Detroit Zoo, ZSL London Zoo, Toronto Zoo, Greater Vancouver Zoo, at ang San Francisco Zoo ay ilan lamang sa mga zoos sa buong mundo na nagsara ng kanilang elephant exhibits at inililipat and mga elepante sa mga santuwaryo. Kung susundin lamang ng Manila Zoo ang pangunguna ng mga zoo na ito, ang desisyon ay tiyak na makakamit na may papuri mula sa buong mundo at maitatakda ang Pilipinas bilang isang bansa na lubos na nagmamalasakit sa kapakanan ng hayop.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng PETA Asia sa FreeMali.com.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.