Jericho Rosales, nagmamalinis sa harap ng anak? by Julie Bonifacio

NGAYONG ARAW ANG libing ng yumaong Presidente ng Pilipinas na si Cory Aquino. Ang kaibigan at co-host ni Kris Aquino na si Boy Abunda ang in-charge sa necrological service para kay Tita Cory sa Manila Cathedral last Tuesday.

Halos miyembro na rin ng pamilya Aquino si Kuya Boy kaya naman tinanong namin siya kung ano ang mga hindi niya malilimutan kay Tita Cory.

“There are two things. When Kris and I open the Aquino Centre in Tarlac. Nu’ng nag-host kami roon, binigyan niya ako ng painting at sinabi niya ‘Huwag mo’ng ibebenta ‘yan, ha? ‘Pag namatay ako, mahal ‘yan.’ ‘Yun ang sense of humor ni Tita Cory. It’s (painting) with me. Number two, nu’ng  birthday ni baby James sa bahay ni Kris, nu’ng iniinterbyu ko siya for The Buzz na lumabas ako dahil for the first time nakita ko siyang umiyak. Hindi ko kinaya.

“She was not crying because of pain. She was crying parang because she was touched by the people’s love. ‘Yung dasal sa kanya. Kasi may sakit na siya noon. ‘Yun ang dalawang moments na hindi ko malilimutan. And of course, ito ngayong pagsasama namin ni Kris nu’ng mga huling sandali sa Heritage, sa morgue. I will never forget these moments in my life,” pahayag ni Kuya Boy.

Nabanggit din sa amin ng nakatatandang kapatid ni Kris na si Pinky Aquino-Abellada nu’ng makausap namin siya sa wake ni Tita Cory sa La Salle gym, na ‘yung mga paintings pala ni Tita Cory ay isa-isa na niyang ipinamana sa kanyang mga apo. At bawat painting daw ni Tita Cory, may nakalagay na raw na number at may naka-assign na kung kaninong apo niya ito ibibigay. And these paintings are more valuable than any inheritance na puwede nilang manahin from their lola, huh!

SA WAKE NI Cory Aquino ay kasama ni Jericho Rosales ang kanyang unico hijo na si Santino. First time naming nakita ang anak ni Echo na ang guwapo-guwapo at binatilyo na. Hindi kamukha ni Echo si Santino. Maputi at hindi kulot ang buhok ng bata.

Sa awarding ng Extra Joss para sa mga bayaning manggagawa ng ating bansa sa kauna-unahang Extra Joss Gintong Kamao Award, sinabi ni Echo na ayaw niyang nagsasalita siya about his ex-girlfriend na si Heart Evangelista or any other girl for that matter na nali-link sa kanya sa harap ng kanyang anak.

Kaya naintindihan namin si Echo kung bakit hindi niya sinagot ang tanong namin kung totoo ngang nagkabalikan na sila ni Heart. Kapag kasama niya siguro si Santino, gusto niya na naka-focus lang siya  sa bata. After all nga naman, minsan lang sila magkasama in one week kaya ayaw niyang ma-spoil ang bonding nilang mag-ama.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.