Jericho Rosales, nadapa dahil kay Heart Evangelista?!

HANGGANG NGAYON, IPINAGTATANGGOL pa rin ni Jericho Rasales ang ex-girlfriend na si Heart Evangelista. Sinabi namin kay Echo na malaki ang iniusad ng career niya mula nang mawala sa buhay niya si Heart. Pero, mabilis siya sa pagsasabing kung anuman ang naging setback ng career niya noon, siya ang dapat sisihin doon at hindi ang sinuman, lalo na si Heart na naging kasintahan niya.

Noong sila pa raw ni Heart, mas ginusto ni Echo na i-prioritize ang pakikipagrelasyon niya sa aktres. Ito ang dahilan kung bakit, for a while, nawindang ang career ng aktor. Sarili raw niyang desisyon ‘yun, at hindi dapat isisi kay Heart.

Pero, natural lang na nakapag-decide ng ganoon si Echo dahil sa pag-ibig niya kay Heart, aminin man niya o hindi. For the longest time, walang lovelife si Echo at ito ang dahilan kung bakit naka-focus siya nang husto sa career niya. Successful naman ang concert na Gintong Galing ng Pinoy sa Aliw Theater kamakailan, sponsored by Western Union, at doon ay nakasama niya sina Yeng Constantino at Christian Bautista. Inaayos na ang susunod niyang album para sa Star Records.
All’s set na para sa balik-tambalan nila ni Kristine Hermosa. In fact, nagte-taping na sila para sa Dahil May Isang Ikaw, ang inaabangang teleserye sa Dos na magtatampok muli sa dalawa, kasama sina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion. Iba na rin ang level ng ugnayan nila ni Kristine at ngayon, naise-set aside na ang personal sa propesyunal dahil wala na silang malalim na relasyon ngayon.

Sabi ni Echo, he owes it a lot to his career. Dapat na pagbuhusan na niya ito ng utmost attention ngayon. Natuto na siya na ang balik para sa pag-ibig ay hindi ganoon kasigurado kaysa kung sa career na lang niya ibinubuhos ang panahon.

NOONG UNA’Y UMINGAY ang ugnayan diumano nina Glaiza de Castro at Patrick Garcia nang mapagkikita sila, lalo sa isang concert, kahit wala naman silang anumang ipino-promote. Pero, kung kailan magkasama sila sa Kung Aagawin Ang Lahat sa Akin, doon parang walang masyadong nababalitaan tungkol sa dalawa.

Misteryoso nga pati ang pagpo-post ni Glaiza ng kanyang status sa Facebook, na she’s still waiting for his man. Na ang ibig sabihin, hindi pa rin niya ito natatagpuan, kahit nga naging mainit noon ang mga tsismis sa kanila ni Patrick.

Nananatiling maganda raw ang takbo ng pagkakaibigan nila, pero sinabi ni Glaiza na hindi niya binibigyan ng seryosong thoughts ang posibilidad na may ma-develop sa kanilang mas malalim. Sinabi ni Glaiza na kung anuman ang naging nakaraan ni Patrick at ang pagkakasangkot nito sa buhay ni Jennylyn Mercado, wala raw itong kaugnayan sa obserbasyong pananabang ni Glaiza kay Patrick.

Naka-set lang daw talaga ang mind niya na mas magandang maging magkaibigan na lang sila ni Patrick. Kahit ano pa ang i-reason out ni Glaiza, kahit noong una’y kinikilig din siya kay Patrick, sa kalaunan, walang gaanong naging progreso ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

5 thoughts on “Jericho Rosales, nadapa dahil kay Heart Evangelista?!

  1. fans pa rin ako ni heart ane echo… kc true love un naramdaman nila at compatible… if only indi against ang partidos ni heart sana walng naging problema

  2. sana magkabalikan c echo at tin super love ko ang “PANGAKO SYO” if hindi man c diet at tin na lang ulit sna.

Leave a Reply

Your email address will not be published.