Jericho Rosales, muntik nang maging Kapatid!

SABI SA MGA pralala, sure ball na raw na kasama sa Wiling Willie ni Willie Revillame sa TV5 ang isa sa mga female hosts ng Pilipinas Win na Win, pero tigas itong itinanggi ng kanyang manager.

Sabi ng manager ng female host ng Wowowee, wala pa raw kumpirmasyon na makakasama ang kanyang talent sa bagong show ni Willie. Hindi pa raw ito sigurado and as of press time e, certified Kapamilya pa rin daw ang kanyang talent at hindi pa ito nagre-resign gaya ng mga lumalabas sa mga balita. Pero hangga’t maaari e, ayaw itong pag-usapan sa media ng naturang talent manager kaya sa blind item na muna namin inilagay ang istorya.

Uy, hindi si Pokwang ang tinutukoy namin, huh!

USAPANG SINGKO PA rin, muntik na palang maging certified Kapatid itong si Jericho Rosales.

Kay Echo namin mismo nalaman na nagkaroon ng negosasyon between Singko and his management, ang Genesis, na makasama siya sa Sunday show ng Channel 5, ang PO5, pero hindi ito nagtagumpay.

Hindi lang namin alam kung naamoy agad ng Channel 2 ang negosasyon na ‘yon kaya gumawa agad sila ng paraan para hindi na matuloy si Echo sa Channel 5.

Basta ang sabi sa amin ni Echo, masaya pa naman daw siya sa ABS-CBN kaya hindi na muna siya lilipat ng network.

Meaning, hindi masaya sa kani-kanilang dating mga networks ang mga talent na nag-switch ng mother network to Channel 5 kaya sila lumipat du’n, kahit itanong n’yo pa ulit kay Echo… je,je,je!!!

BONGGA ANG PELIKULANG Tarima na pinagbibidahan ni Tita Fanny Serrano.

Why? Nagkaroon kasi ito ng red carpet premiere night nu’ng Saturday sa CCP na dinaluhan ng mga sikat na celebrity friends ni TF gaya nina Dawn Zulueta, Lorna Tolentino, Vivian Velez at marami pang iba.

Sabi ng napagtanungan namin, more than P100,000.00 pesoses daw ang binabayad na rental sa naturang CCP theater for two hours kaya major-major winner talaga ang mga cast ng Tarima.

And in fairness naman kay Tita Fanny, parang SONA ang naging dating ng kanyang premiere night dahil kung hindi kami nagkakamali, lima hanggang anim na beses pinalakpakan ng mga movie-goers, na karamihan ay movie critic, lalo na nang ipinakita ang mga highlights ng kanilang eksena.

Proud girlfriend naman si Eula Valdez na ka-date ni Rocky Salumbides (ang leading man ni TF) nu’ng gabing ‘yon and in pernes ulit, kahit na malaki ang agwat ng kanilang edad e, bumagay na rin ang dalawang lovers dahil hanggang ngayon e, bagets-looking pa rin si Eula.

Marami lang ang nakapansin kay Ana Capri, na may ka-date na foreigner, dahil tuwing bebeso siya sa mga artista at sa mga reporters e, bumabaling ang kanyang mukha pakaliwa para matakpan ng kanyang buhok ang kanyang kanang pisngi na binebeso ng kanyang mga nakakasalubong. Kaya ang dating, ang kanyang buhok ang nabebeso ng mga bumabati sa kanya.

Bakit kaya? Nandidiri kaya si Ana sa mga nakakabeso niya kaya ganu’n? Or merong something sa kanyang fez nu’ng gabing ‘yun na hindi dapat mabura? Just asking lang, huh!

For reaction, please e-mail: mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

4 thoughts on “Jericho Rosales, muntik nang maging Kapatid!

  1. can’t blame valerie kung lilipat dahil sinasapawan lang sila ni kris aquino. just like mariel before she went on leave. halos di na sya makapagsalita. sana lang maging available na rin on cable ang TV5 dito sa southern california. maganda yung nakakapanood ng ibang pinoy channels, aside from TFC and GMA Pinoy TV.

  2. Huwag naman sana. Pero, professional si Valerie. Kung ano man ang desisyon niya, siguradong pagiisipan nang mabuti, hindi kagaya ni Binoe at Mariel.

  3. kung gusto ni Jericho Rosales na malaos agad lumipat
    siya sa channel 5. Hindi na siya mapapanood sa
    abroad kapag nasa sinko na siya. Yung mga lumipat
    sa singko, parang hindi na sikat.

  4. SI VALERIE C, TAGAL NG BALITA YAN. PERO HINDI NAMAN MATUTULOY DAHIL PINAKIUSAPAN NG ABS ANG TV5 NA HUAG ITULOY, DAHIL SA LEGALITY ISSUES. IDEDEMANDA KASI NG ABS SI WILLIE AT TV5 PAG NAG PUSH THROUGH BALAK NA SHOW.

Leave a Reply

Your email address will not be published.