Jericho Rosales, inamin na si Cesca Litton!

AMINADO SI JERICHO Rosales, totoo nga raw ang napapabalitang they are exclusively dating ni Cesca Litton na field reporter ng SNN. Gano’n pa man, panay ang pakiusap ng aktor sa press na huwag na lang siyang tanungin pa tungkol dito.

“I can’t talk about it anymore because I just wanna keep it private na lang,” sabi nga niya. “I’m sorry. I’m very careful,” patungkol ni Jericho sa rumored affair nila ni Cesca.

Pero he’s really happy raw at inspired. Sa lahat ng bagay ay inspirado raw siya. And it’s all because of Cesca.

“I just don’t want to talk about it. Because it’s something I really enjoy when I’m not working. Kumbaga, if there’s a place that I can go to like family, ‘di ba? It’s (tungkol sa kanila ni Ceska) is like family to me.

“It’s like… everybody knows that I have a little boy. But I don’t talk much about him. Because I love him. And I just wanna have a simple life with him.

“With this… yeah I’m happy. But I’d like to keep it quiet and simple.”

‘Yong kagustuhan niyang huwag magsalita about him and Cesca has nothing to do naman daw with the past relationships niya.

“I don’t wanna even compare,” sabi ni Jericho. “And whatever happened to me, I have no regrets. Sa akin talaga, enjoy ako sa lahat.

“My past relationships… there are ups and downs talaga. And eversince nu’ng single ako, sabi ko I just wanna keep that part of my life for myself. I’ve got a lot of experiences na, but I really chose to be mum about it.”

Kung sabagay, karapatan naman ni Jericho kung iyon ang gusto niya, ‘di ba?

INUULAN NGAYON NG batikos si Arnel Pineda hinggil sa ginawa niyang pagbirit sa huling bahagi ng ating Pambansang Awit na Lupang Hinirang sa katatapos na laban ni Manny Pacquiao laban kay Joshua Clottey. At kahit na humingi na siya ng paumanhin sa National Historical Institute, marami pa rin ang nagre-react sa ginawa niya.

Imposible naman daw na hindi niya alam na pambabastos sa pambansang awit ng Pilipinas ang pag-iiba sa orihinal na tono nito. Eh, ‘di nga ba’t ganitong usapin din ang kinasangkutan ni Martin Nievera nang ito ang mapiling kumanta nito sa laban ni Pacman.

O baka naman daw sinadya lang ni Arnel na bumirit sa late part like Martin did before para mapag-usapan at maging kontrobersiyal din siya? Kasi kung kanyang sasabihing hindi niya alam ang tamang tono ng Lupang Hinirang, bakit? Hindi ba man lang niya ito pinakinggan at pinag-aralan nang malaman niyang siya ang aawit nito sa laban ni Manny.

Next time siguro bago pumili ng kakanta ng Lupang Hinirang sa Pacquiao fight at iba pang international sports event, dapat magpa-audition muna. Para malaman kung makakanta nang tama ng napili ang Pambansang Awit natin.

Hindi kasi nakakatuwa kundi, nakakahiya!

Baka mamaya, kung RNB artist o rap artist ang mapiling kumanta nito, maging mala RNB o rap din ang version nito, ‘no?

Hala!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

11 thoughts on “Jericho Rosales, inamin na si Cesca Litton!

  1. sinasadya nila yon para sila mapansin nag umpisa ang gagong martin nerverya tapos gumaya ng iba…gustong magpapansin..hindi ko gusto yang arnel na yan nag guest kay oprah off konalang ang tv eh ang boses parang saliwa.sa totoo lang.

  2. e puro ba naman mga bumibirit ang pinipili nyong kumanta pag may laban c pacquiao e!!!subukan nyo kaya c rey valera kumanta ng lupang hinirang!!!

  3. halos lahat na lang ng kumanta ng national anthem natin napapahiya. kasi naman dun pa gustong magpakitang gilas e di naman concert yun at hindi naman r and b ang aawitin bakit ba kasi nilalagyan ng ibang rendition? oy nakakahiyang sabihin na hindi alam ang tono o tamang pag awit ng ating national anthem a! nakabisa nga nila ang mga english songs tapos national anthem hindi alam. oh come on!

  4. hoy gaga isa lang ang tempo ng god bless america.kumana ka na naman paypayan mo nalang idol mong kris bulok sa loob bulok sa labas…
    alam ko na ang sunod na kabanata…hehehe hindi ko na basahin…hmmm

    • Kung ako ang pinatatamaan mo ang laki mong tanga. eh kung ung mga itim nga pag kumanta eh kahit hindi dapat itaas ang tono, tinataas nila. And one thing more, hindi ko gusto si kris aquino ano! sobrang arte kaya nuon. IDIOT!

  5. Siguro dapat ang NHI, automatic na ang fee na 50,000 pesos para wala nang palaging issue. Ang rules kasi nila, laging may gray area.

  6. Grabe ka namang makalait kay Arnel Pineda. Dapat wala ng kakanta diyan kung may laban ulit si Manny. o kaya si Manny an mismo an gkumanta, o mag-tape na lang para wala gn controversy pa.

    • lol! agree ako sa iyo penquin sa sinabi mo; mahilig rin lang si manny na kumanta eh siya na lang ang pakantahin. oo nga naman, gumawa na lang sila ng cd para un na lang ang patugtugin. Paging NHI, patok tong naisipan ni penquin. :-)

  7. sus naman! mahilig rin lang silang manggaya ng kahit anong show sa abroad eh bakit hindi na lang sila gumaya dito sa u.s. na walang pakialam kung anong gusto mong tempo sa God Bless America. :-)

Leave a Reply

Your email address will not be published.