Jericho Rosales, inamin na ang GF na si Kim Jones!

INAMIN NI Jericho Rosales sa The Buzz that he is now in a romantic relationship with Kim Jones, a 24-year old model and host of the lifestyle show Etcetera na napapanood sa isang cable channel. British ang ama ni Kim samantalang half-Spanish, half-Pinay naman ang kanyang ina. Kim was raised in Australia.

According to reliable sources, Kim took up Interior Design Architecture and a short course in Banking and Finance. She also shares the same passion for surfing with Echo.

Nagkakilala ang dalawa through their common friend Denise Go who is the wife of actor Dominic Ochoa. Halatang in-love si Echo habang nagkukuwento tungkol kay Kim sa The Buzz. “Nakita ko agad na ang ganda ng mga mata niya.” First meeting pa lang daw ay naramdaman na ni Echo na maganda ang personalidad ni Kim.

Echo did not woo Kim immediately but instead they started out as friends. “Kasi medyo hindi naman girlfriend ang hanap ko noon. Si-guro naghahanap ako ng mas makabuluhang pakikipagrelasyon. May mga tinatanggal pa ako sa sarili ko noon,” kuwento niya.

They became an official couple last November at patuloy na gumaganda ang kanilang relasyon. Kim is getting close to Echo’s family at isinama pa niya ang dalaga sa birthday party ng kanyang pinsan.

Hindi naman masabi ni Echo kung si Kim na nga ba talaga ang babaeng nakatadhana para sa kanya but he hopes na magtagal ang kanilang samahan. “In every relationship na nagkakaroon ako, I always try my best. When you’re in a relationship you always hope for the best. Expect the worst, hope for the best para at least prepared ka. I’m really happy right now.”

Ako man ay masaya para kay Echo. Nakita ko siyang maligaya at nabigo nang dahil sa pag-ibig. Pero kahit nasasaktan ay hindi siya nawawalan ng pag-asa na balang araw ay matatagpuan din niya ang babaeng nakalaan para sa kanya. Kung si Kim man ang babaeng ito ay tanging panahon lang ang makapagsasabi. Ang mahalaga ay mahal nila ang isa’t isa at seryoso sila sa kani-lang relasyon.

Everything is falling into place in Echo’s life right now – in his family, love, and career. Muli siyang napapanood ngayon bilang isa siya sa mga lead stars ng bagong primetime teleserye ng ABS-CBN, ang Dahil Sa Pag-Ibig, kasama sina Christopher de Leon, Piolo Pascual, at Cristine Reyes.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

8 thoughts on “Jericho Rosales, inamin na ang GF na si Kim Jones!

  1. NAGIIYOTAN NNAMAN ITO BUTI PA IDOL KONG MARIAN MALINIS NA TAO MABAIT PA OHAAAAAAAAAAAA

  2. bagay sila dalawa… bait ng gf ni echo… at bait rin ni echo… bagay talaga sila… sana sila na habang buhay… hahaha…
    sa ngsasabing laos na si echo…  punta ka abroad lalong lalo na sa malaysia, indonesia, brunei, china at iba pa… at dun mo sabihin na laos na si echo… kaya d kayang bitawan yan ng ABS eh… malakas kasi sa labas eh…

  3. tama! wala yang tv kaya walang alam..hahahaha poor krissy! ;) love ur new soap papa echo.. so happyyy for you… 

  4. KRISSY baka walang tv sa inyo, saang bundok ka ba? walang career eh isa sya sa pinakamaraming comercial last 2011 at ngayon. nasa top 20 sya sa list ng comercial last 2011 kaya ako sau bili ka tv muna para malaman mo. huling huli ka nga sa post na ikaw nag tatanong kung may career pa si echo ibigsabihin wala kang alam hahhahahha.

  5. buhay pa pala ang career ni jericho rosales, i tought pa surf surf na lang sya sa la union dahil wala nang career. hahahahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.