Jericho Rosales, halatang in-love pa kay Heart Evangelista

SISTERS ACT: MINSAN na namang na-interbyu si Ara Mina  tungkol sa kanyang kapatid na si Cristine Reyes. And in fairness-nagpaka-safe na nga at magaganda pa ang sinabi ng Ate sa patuloy na nagiging pasaway niyang sibling.

Ang siste, hindi na naman ito na-appreciate ni Cristine at nagpuputak na naman daw ito at kung anu-ano na naman ang sinabi tungkol sa kanyang Ate.

Kahit na nga patuloy sa pagiging isang alibugha’ng kapatid si Cristine sa kanyang Ate, patuloy lang na nagpapasensya si Ara.

Medyo nainis lang si Ara nang lumabas na ang mga interbyu sa kanya sa TV at sa print dahil ginawa na naman ngang kontrobersyal ang mga naging salita niya para sa kapatid.

Moral of the story? ‘Wag na lang daw siyang magsalita at all about Cristine. Kaya ang pakiusap niya eh, huwag na rin siyang tanungin ng mga bagay-bagay tungkol dito dahil hindi naman sila nagkikita, literally and figuratively.

TROUBLED WALTERS?: NAKA-CHAT ko sa Facebook ang nagbalik-bansa na namumuhay na sa Amerika-kasama ang kanyang mister na si Tim, na si Giselle Toengi Walters.

Sabi naman ni Giselle, business with pleasure na rin ang pagpunta niya rito. Nagkaroon nga kasi siya ng offer to do MMK (Maalaala Mo Kaya) at meron pa siyang soap na sisimulan.

Huwag daw lagyan ng kulay kung ilang buwan din siyang mamamalagi sa bansa dahil susunod naman daw sa kanya ang butihin niyang mister. Kasama rin ni Giselle sa pag-uwi niya rito ang dalawa nilang supling, ang turning 4 na si Sakura at ang turning 2 na si Kenobi.

Nabanggit ko kay Giselle na nasulat minsan na diumano, eh, mukha na siyang matrona. Any reaction?

“Ha-ha-ha! Tita naman, dalawa na ang anak ko. Pero beauty pa rin naman ako. But that’s okay. Of course, kanya-kanya naman ng opinyon. Or baka hindi lang sanay ‘yung nakakita sa akin. Or baka they didn’t know yet na I got married na at dalawa na ang kids ko.”

Hanggang September 11 raw mamamalagi sa bansa si Giselle at uuwi na silang mag-iina sa Amerika para magpatuloy uli sa normal nilang buhay doon.

“Of course naman, excited pa rin ako to act. Kahit naman in the US, when there is an opportunity, I do roles sa ilang shows there. Hindi na mawawala ‘yun. Basta hindi ko mapapabayaan my family.”

CARELESS WHISPERS: OF the heart nga raw ba ang nangyayari ngayon sa aktor na si Jericho Rosales?

Echo’s singing a different tune na raw kapag ang tanong, eh, naka-focus sa kanyang ex-girlfriend na si Heart Evangelista. Mararamdaman mo raw na lab na lab pa rin ito ng binata.

Sabi nga nito, “Heart will always be heart in my heart.” At ang paliwanag pa niya, kahit na kanino o sino pa ang ma-link sa dati niyang girlfriend, eh, hindi na niya mapipigilan dahil siya rin naman daw, eh, nali-link din sa iba. And besides, when it concerns daw the affairs of his heart-lalo na ang isang bagay na gaya nito, concerning about his past, mas maganda nga raw na ibalato na lang ‘yon sa kanya at mas gusto nga niyang sarilinin na lang muna ang mga saloobin niya.

‘Pag mahal mo talaga at puso na ang nagdikta, siguradong papasok na naman ang problema. Joke!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

2 thoughts on “Jericho Rosales, halatang in-love pa kay Heart Evangelista

  1. i’m starting to believe that cristine reyes is a “war freak” indeed. Umpisa pa lang ay marami na siyang nakakabangga at kung hindi siya magbabago ay madali siyang lulubog. Wag na siyang tumulad kay osang na tulad niya ay war freak din.

Leave a Reply

Your email address will not be published.