Jericho Rosales, dumidistansiya na kay Kristine Hermosa! – Eddie Littlefield

INAMIN NI KRISTINE Hermosa na first love niya si Jericho Rosales. Tatlong taon ang lumipas bago naka-recover ang dalaga sa break nila ng aktor. Ngayon magkasama sila sa teleseryeng “Dahil May Isang Ikaw” naging maganda ang relasyon nila bilang magkaibigan at magka-loveteam. Hindi rin niya itinangging special pa rin si Echo sa puso niya hanggang ngayon. Maging ang binatang actor hindi rin itinagging minahal niya ang dalaga. Natatawa na lang si Tintin kapag napag-uusapan ang tungkol sa nakalipas nila ng singer/actor.

Siyempre, kahit magkaibigan na lang ang turingan nina Kristine at Jericho sa isa’t isa hindi pa rin mawawala ‘yung inner feelings nila sa bawat isa. Kasi naman, malalim ‘yung pinagsamahan nila kahit may Oyo Boy Sotto si Tintin, hindi ganoon kadali para malimutan ang first love.

Ngayong pareho na silang nag-mature at natuto na sa kanilang pagkakamali in the past, maingat na sila ngayon sa pagpili ng tunay na mamahalin at magmamahal sa kanila.

May kilig factor pa rin naman ang balik tambalan nina Kristine at Jericho. Kita naman kung gaano na sila ka-relaxed sa mga romantic scene. Pareho na ring may lalim umarte, mararamdaman mo ‘yung kanilang ibinibigay na emosyon sa bawat character na kanilang ginagampanan.

Ayon kay Tintin, hindi niya isinasara ang pintuan, hindi mo nga alam kung sa bandang huli sila pa rin ni Echo ang magkatuluyan, hindi natin alam. Isang memorable experience para kina Kristine at Echo na minsan minahal nila ang isa’t isa. Natutong magmahal at mahalin, isang bagay na hindi malilimutan ni Kristine.

MARAMI ANG NAKAPAPANSIN sa pagiging seryoso ni Jericho Rosalaes kapag magkasama sila sa taping  ni Kristine Hermosa. Tahimik lang ito sa isang sulok at nagbabasa ng script, bihira nga raw lumapit ito kay Kristine para makipagkuwentuhan. Oo nga’t nag-uusap ang dalawa pero halata mo raw na dumidistansiya si Echo dahil kay Oyo Boy Sotto.

Alam naman nating may mutual understanding na sina Kristine at Oyo Boy kaya iwas-pusoy na lang si Echo. Ayaw niyang makasakit ng damdamin ng kapwa niya lalaki. Hindi yata maganda na siya pa ang maging dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng dalawa kung sakali. Maayos na raw ang lahat kaya ayaw niyang maintriga pa.

Nasaktan pala nang labis si Jericho noong time na maghiwalay sila ni Tintin. Iniyakan pala niya ang break-up nilang dalawa, maraming ngang kuwento sa kanilang love affair kaya lang, ayaw nang pag-usapan pa ‘yun ni Echo.

“Okey lang pag-usapan ‘yung tungkol sa aming dalawa pero may mga bagay na hindi puwedeng ikuwento dahil para sa aming dalawa lang ‘yun. You know me naman, pagdating sa private life ko masikreto ako. Ganoon ko pinahahalagan ang relationship ko sa isang babae. ‘Pag nagmahal ako, ibinibigay ko ang lahat just to make her happy. Kung minsan nga nalilimutan ko na ang sarili ko sa sobrang pagmamahal,” say ni Echo.

“Right now, I’m still single and happy with my work. Hindi rin ako nagsasara ng pinto, malalim ang pinagsamahan namin ni Tintin, pero dapat malinaw. Alam naman nating may nagmamahal sa kanya, hayaan muna natin sila, ayaw kong makigulo. Nirerespeto ko kung anuman ‘yung mayroon sa pagitan nila, dugtong pa ni Jericho.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.