Jericho Rosales, ‘di pa seryoso kay Cesca Litton?!

NILINAW NI JERICHO Rosales na friendly date lang ‘yung sa kanila ni Cesca Litton (SNN reporter). Hindi niya itinangging madalas nga silang nagkakasama ng dalaga sa mga lakaran pero hindi ibig sabihin may something between them. Inamin din ng actor na madalas nga siyang manood ng PBA games pero kasama ang kanyang mga kaibigan including Gab Valenciano.

Walang malisya raw ang pakikipagkaibigan ni Echo kay Cesca kaya huwag silang i-link sa isa’t isa. Huwag naman daw bigyang-kulay ‘yung kanilang friendship. At saka, hindi pa raw ready ang actor sa isang serious relationship kaya focus muna siya sa trabaho.

Kasalukuyang ginagawa ni Jericho ang movie nila nina KC Concepcion at Gabby Concepcion under Star Cinema. First week of March pa raw ang resume uli ng shooting. May kaunting adjustment sa script, ayon kay Direk Maryo delos Reyes. Inihahanda na rin ang pagbabalik-tambalan nila ni Kristine Hermosa.

May tsikang inaayos na raw ni Angeli Panganiban ang first directorial job ni Jericho under Genesis Entertainment. Matagal na palang plano ito ng binata nu’ng time na sila pa ni Heart Evangelista, 3 years ago. Nainggit daw si Echo kay Piolo Pascual dahil super hit sa takilya ang pelikulang Kimmy Dora na si PJ ang nag-produce. Naging inspirasyon daw niya si Papa P. kaya naisipang ituloy na ang planong magdirek ng sarili niyang pelikula. Actor/director ang magiging papel ni Echo sa first venture nila ng kanyang manager.

Para kina Angeli at Jericho, si Heart pa rin ang perfect for the role as leading lady, wala nang iba pa! Nakipag-meeting na nga si Angeli kay Ronald C. Carballo na siyang gagawa ng script. Heart-Echo team-up, bongga, ‘di ba? Magandang project (love story) ito para sa kanilang dalawa. Malaki ang maitutulong nito sa kanilang showbiz career. Maraming kikiliging   mga fans sa pagbabalik-tambalan ng kanilang idolo pati na rin ang entertainment press.

Hindi nga lang daw sigurado sina Angeli at Jericho kung tatanggapin pa ng dalaga ang project na ito. I’m sure, magiging maayos ang lahat sa pakinabangan na rin ng bawat isa. Tutal naman, pareho na silang naka-move-on, may kanya-kanyang buhay na rin silang tinatahak. Nakapag-usap na nang maayos, nagkapatawaran na sa mga pagkakamali nila in the past. Siguro naman, wala na ‘yung kirot sa dibdib na dati’y nasa puso nila. Ikatutuwa ito nang labis ng nakararami.

Ngayon palang, excited na kaming mapanood uli sina Jericho at Heart sa big screen. Magiging masigla uli ang takbo ng showbiz kung sakaling matupad ang pinapangarap ng actor/singer na makatambal uli ang dating ex-girlfriend. You’ll never know, baka ito na ang maging simula para muling manumbalik ang pagmamahal nila sa isa’t isa

Inamin ni Jericho na hindi nawawala sa puso’t isipan niya si Heart magpa-hanggang ngayon kahit split na sila. Natapos na ang gusot sa pagitan nila kaya friends na sila ngayon. “She will always be a part of me, alam ninyo ‘yan. Right now, I’m happy being single, ini-enjoy ko! Marami pa akong gustong gawin, ma-achieve in the near future,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.