Jericho Rosales di na gagawa ng teleserye, last na ang ‘Halik’

Jericho Rosales

KATULAD ng Kapamilya actor na si Piolo Pascual, hindi na rin balak gumawa ng bagong teleserye ni Jericho Rosales pagkatapos ng top-rating series na Halik. Inanunsiyo ni Jericho ang tungkol dito sa farewell presscon ng Halik hanggang 3 weeks na lang mapapanood sa ere.

Ani Echo,  “I don’t wanna do soaps anymore, and it is not a problem for me.

“Do I want to stop TV? No. It’s time for me to challenge myself to create something new for myself. Hopefully, it works.”

Ang desisyong ito ni Jericho ay para lang daw sa soap opera. Tuloy pa rin naman daw siya sa kanyang showbiz career kaya lang, mas magko-concentrate siya sa paggawa ng pelikula at digitan content ng iWant TV.

Pinaplano rin ng aktor na pasukin ang pagiging scriptwriter, producer and eventually ang pagdidirek. Mukhang hindi na rin bibigyan ng pansin ni Echo ang kanyang singing career.

Kasamang bida  ni Jericho sa Halik sina Yam Concepcion, Yen Santos at Sam Milby.

 

 

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.