Jericho Rosales, ‘di ginawang showbiz ang relasyon kay Kim Jones

Jericho-Rosales-Kim-JonesMUKHANG WALA na atrasan ang kasalan na magaganap between Jericho Rosales at ang GF niya na si Kim Jones.

Nag-propose na in public sa isang event kamakailan ang aktor sa kasalan na magaganap this coming May.

Si Jericho at Kim marahil ang showbiz couple na iwas sa showbiz intriga lalo pa’t alam ng aktor na hindi maiiwasan na masasangkot sila sa mga tsismis.

Pero hindi ginawa ng akor na “showbiz” ang kanyang relasyon kumpara sa ibang mga artista na aminin man nila o hindi, ginagamit nila ang relasyon o’ karelasyon nila para pag-usapan, sinasadya man o hindi.

Sa kabilang banda, ang sinasabing mang-aagaw sa relasyon nina Billy Crawford at Nikki Gil na si Coleen Garcia, sa simula pa lang, alam mo na nagsisinungalin na itong huli.

Nang pumutok ang balitang break-up nina Billy at Nikki na both parties ay ayaw magsalita, alam mo na si Coleen ang dahilan. Hindi mo na pagdududahan dahil halata ang dalawa sa noontime show nilang It’s Show Time na may milagrong nangyayari na ayaw lang ipaalam sa madlang pipol.

‘Di nga ba’t sa kabila ng denials nina nina Billy at Coleen, huling-huli naman ang dalawa sa camera ang mga patunay na may kaeklatan na nagaganap sa kanilang dalawa?

Sa recent New York trip nila, nag-post ang babaeng “third party” sa relasyon nina Nikki at Billy na happy siya sa kanyang Big Apple trip with Billy.

Kahit saan mo man tingnan na angulo, siya si Coleen Garcia, ang maninira sa relasyon ng may relasyon.

Sa relasyon naman nina Luis Manzano at Jennlyn Mercado at ang akala mo’y romance made in heaven nina Phil Younghusband at Angel Locsin (na until now tahimik pa rin ang dalawang relasyon sa dahilan ng break-up nila) tulad ng dati, ayaw pa ring nila magsalita sa dahilan ng hiwalayan nila.

Mabuti pa sina Jericho at Kim, Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, Angelica Panganiban at John Llyod Cruz, at Marian Rivera at Dingdong Dantes, mga happy sa kani-kanilang mga relasyon basta’t huwag lang dautin ng mga naiingit, lalo na ang mga pokpokerang mga “third party” na kahit saan mo man tingnan, sa ano man klaseng paliwanag nila’t depensa, mga maninira sila sa relasyon ng may relasyon.

Ang mga third party, ang tawag sa kanila, ang nanay ni Galema, na si Medusa.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.