Jericho Rosales at Kim Jones, patuloy na gumaganda ang relasyon

PATULOY NA gumaganda ang relas-yon nina Jericho Rosales at Kim Jones who became an official couple noong November last year. Kim is a model and host of the lifestyle show in a cable channel. Nagkakilala sina Echo at Kim through their common friend Denise Go, wife of actor Dominic Ochoa.

Kim has only good words for Echo. In an interview with ABS-CBN News ay sinabi raw ni Kim, “He’s just amazing. I’m smitten. Communication is important, being able to open with each other and having the same interests, that’s very important as well. We get to bond a lot over that stuff.”

Maraming napagkakasunduang bagay ang dalawa kagaya ng kanilang passion for surfing. Since Echo is one of the most brilliant actors in the country, mahikayat na rin kaya si Kim na subukan ang pag-aartista lalo pa’t may background na rin siya sa pagho-host?

“He’s very supportive. I’m actually taking acting workshops now. It’s fun. I watch a lot of his movies and [his teleserye] Dahil sa Pag-Ibig. I’m learning a lot. I’m taking notes. I cry in all of his movies.” Sa ngayon ay nag-aaral daw si Kim on how to speak Tagalog fluently.

If Kim is smit-

ten with Echo, ganoon din naman ang aktor sa kanya. Natatandaan ko pa noong nagkukuwento si Echo tungkol kay Kim sa The Buzz. “Nakita ko agad na ang ganda ng mga mata niya,” sabi niya. First meeting pa lang daw nila ay naramdaman na niya na maganda ang personalidad ni Kim. Echo did not woo her immediately but instead they started out as friends. At okay naman ang naging resulta.

Everything is falling into the right place. Kim is getting close to Echo’s family. At ang mahalaga ay mahal nila ang isa’t isa at seryoso sila sa kanilang relasyon.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

4 thoughts on “Jericho Rosales at Kim Jones, patuloy na gumaganda ang relasyon

  1. parehong trying so hard…lalo na si jericho, feeling englisera, sabi tuloy ni heart sa kanya nuon bakit ba ingles ka ng ingles