Jericho Rosales at Cesca Litton, madalas mag-date sa PBA games!

NAKU, MUKHANG MAY katotohanan ang balitang sila Jericho rosales na at ang SNN reporter na si Ms. Cesca Litton. Ilang beses na ba naming napagkikita si Echo sa games ng PBA. Tsika sa amin, ang laging nagbibigay ng tickets ay si Ms. Litton. Kasama ni Jericho na nanonood ay si Gab Valenciano. Maka-Ginebra ba ang dalawa, naku ayaw ng Talk N Text ng ganyan, kasi si Echo ay commercial model ng TNT.

Minsan nga, niloko namin si Ms. Cesca. Ang tanong namin sa kanyan ay kung sila na ba ni Echo? Aba, ang sagot sa amin, “Tsismosa!” Pero nakangiti naman siya, alam niyang kinakantiyawan lang namin sila.

Kung may katotohanan ang Cesca Litton at Jericho Rosales romance, paano na ang tambalang Kristine Hermosa-Jericho Rosales na siyang mainit ngayon. Baka hindi na matuloy ang isang project na gagawin ng dalawa.

DISMAYADO NAMAN ANG PBA kay Pokwang, kasi nakiusap sila sa host/actress na kung pupuwede ay banggitin lang ni Pokwang ang semifinals ng naturang liga. How true na tinanggihan sila ng ale kaya dissapointed ang PBA sa kanya? Ang totoo niyan, si Pokwang ay muse ng Coca-cola Tigers na isa sa mga team sa PBA.

SPORTS-BIZZ
Ni Malou Aquino
Pinoy Parazzi News Service

loading...

4 thoughts on “Jericho Rosales at Cesca Litton, madalas mag-date sa PBA games!

  1. We don’t care kung sina Cheska at Echo na.Dati nga Kristine at DO pero naghiwalay din kaya hindi kami nagsasara ng aming bintana at pintuan kasi si God lang ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa kanila in the future.As long as tuloy ang ECHOTIN movie,happy na kami para pandagdag sa DVD collection namin ng lahat ng projects nila together.

  2. what kind of question is that!! of course matuloy ang project work is work private is private ..ECHOTINERS are alive and kicking..DMII was not enough! we want more!

Leave a Reply

Your email address will not be published.