Jeric Gonzales, willing makipaglaplapan sa kapwa lalaki

Jeric-GonzalesANG PAGGI-GUEST daw sa Paraiso ko’y Ikaw, kung saan may eksena itong topless ang nagbukas ng isipan ni Jeric Gonzales na tumanggap na ng matured roles at iwanan ang pa-cute na roles na kanyang ginagawa ngayon.

“Doon napag-isipan ko na kailangan ko na talagang magpakita ng katawan, lalo na’t nagkakaedad na ako. Kaya kailangan nang tumanggap ng medyo mature na role na. Hindi na ako bata, 21 na ako.”

Sa pagtanggap ba ng mature role, kaya na ba nito ang magkaroon ng kissing scene with same sex sa mga indie film?

“Oo naman, kasi trabaho lang naman ‘yun. Sabi ko nga, kung professional ka at gusto mo ang trabahong pinasok mo, gagawin mo ‘yun. Hindi mo naman kasi gagawin ang isang bagay na labag sa puso’t isipan mo, mas maganda na ginawa mo kasi gusto mo.”

Handa na rin daw si Jeric na rumampa sa Cosmopolitan Bachelor Bash ngayong taon. Kaya lang, “Siguro hanggang trunks lang ang kaya ko.”

Pero kailangan daw muna niyang makita kung maganda na ang katawan niya at depende rin kung papayagan siya ng GMA Artist Center.

“Basta abangan na lang nila, kasi ‘yun din ang magiging transition ko bilang teen actor na kaya nang gumawa ng mga mature roles. Gusto ko rin kasing makita ng mga tao na hindi na ako katulad ng Jeric noon na mataba. Gusto ko na makita nila na ‘eto na si Jeric, maganda ang katawan.” Pagtatapos ni Jeric.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Jeric Gonzales, willing makipaglaplapan sa kapwa lalaki

    • cythia luster ka dyan eh may nahuli ang PDEA na kapamilya actor sa subic concert na nagchochongki (marijuana gaga!) ADIK! ADIK!

Leave a Reply

Your email address will not be published.