Jeric Gonzales, 2 beses nakasama si Nora Aunor

Jeric-GonzalesMASASABING MAPALAD at masuwerte si Jeric Gonzales sa mga nakasabayan niya sa Tween-Gen. Pagkatapos niya kasing makasama si Nora Aunor sa Dementia na idinirek ni Percy Intalan, kasama muli siya sa Hustisya na pinagbibidahan muli ng Superstar.

Pinatunayan kasi ni Jeric na may kakayahan siyang makipagsabayan sa mga malalaking aritista tulad nga ni Nora. Kaya hindi siya naiinip kung wala pa siyang project sa GMA 7 kung saan siya naka-kontrata.

Samantalang kamakailan, nagpunta si Jeric sa taping ng My BFF para bisitahin ang mga nakatrabaho niya. Kaya naman mahal na mahal siya ng mga production team na nakatrabaho niya dahil sa hindi nagbabagong ugali.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.