Jennylyn Mercado’s townhouse, repossessed?

OLA CHIKA! KUNG noong isang linggo, nailabas ko rito sa column ko sa Pinoy Parazzi ang pagkakadawit sa pangalan ni Rosanna Roces sa isyu bahay ni Jennylyn Mercado na diumano’y bigay o galing sa bulsa ng guwapong senador na si Bong Revilla.

Hindi pala iyon bigay ng guwapong senador. Nakausap ko mismo, kasama si Ivy Batula, ang friend umano ni Jennylyn at nagulat ako sa sinabi nito. May malaking problema raw financially itong si Jennylyn, huh! At ang nasabing bahay, malapit na palang marimata!

Matagal na raw hindi nababayaran ng hitad ang bahay nito. Kaya kung hindi raw magagawan ng paraan, rerematahin na ang bahay, at kung hindi nga mababayaran, malamang na matulog sa kangkungan itong si Jennylyn. Kaya nga raw kuntodo-kayod ang dalagang ina upang mabayaran ang lahat ng pinagkakautangan nito, huh.

Naloka nga ako sa pahayag na ito ng aking source na kung hindi ako nagkakamali, kapitbahay rin ni Jennylyn. Nakakaloka namang talaga!

‘Eto pa. Nangatog diumano si Jennylyn tungkol sa isyung pinalabas niya noon na magsasampa siya ng kaso laban sa Parazzi. Lalo na nga’t sinagot ito ng pamunuan ng pahayagang ito na hindi siya uurungan.

Ang tanong nga, eh, nasaan na ang sinasabi ng hitad na magsasampa siya ng kaso, huh?! Na kesyo nilabag daw ang karapatan niya at ng kanyang anak, huh!

Ang chika, nakapag-isip-isip na raw si Jennylyn na iatras na lang ang kaso, dahil iyon din ang payo sa kanya ng kanyang abogado. Magastos nga naman at magsasayang lang siya ng pera. Hmm… ‘yang ibabayado mo sa kaso, hija, ihulog mo na lang sa utang mo sa bahay, upang mabawasan ang problema mo.

Kaya pala mistulang busina ng sasakyan ang bibig ni Jennylyn nu’ng nakuhanan ng larawan ang anak, at sinakyan niya ito dahil lost in sapce na siya, or laos na. Hahaha!
At isa pang dahilang kung bakit siya nag-iingay, eh, kasi nga ipinalalabas ang panghapon nilang programa ni Mark Herras.

Ingrata kung tawagin si Jennylyn, at mahilig ngang sumakay sa isyu para makapag-ingay. Ngayong nabulgar na ang kanyang ‘modus operandi,’ ewan ko na lang kung ano na namang gimik ito, huh!

PHOTOS BY FERNAN SUCALIT

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.