Jennylyn Mercado, wala nang paki sa lovelife ng ex-BF na si Mark Herras

AYAW NANG patulan ni Jennylyn Mercado ang isyu na siya ang dahilan ng break-up nina Mark Herras at Ynna Asistio. Balita kasing ang balik tambalan nina Jen at Mark ang isa sa mga naging dahilan ng hiwalayan nina Mark at Ynna?

Pero tawa at dedma lang ang isinasagot ni Jen about the issue. Kaya naman para matigil na ang naturang isyu ay iniiwasan na lang ng actress/girlfriend ni Luis Manzano ang mga nagtatangkang maurirat ito or hingan siya ng reaction.

Sa totoo lang, wala nang pakialam si Jen sa kung anuman ang nangyayari sa lovelife ng dating boyfriend.

Ngayon pa na masaya ito sa piling ng son ni Batangas Gov. Vilma Santos at bongga rin ang showbiz career.

Samantalang kamakailan lang ay nag-react si Mark sa isyung may kinalaman daw sa pera ang break-up nila ni Ynna.

Mensahe ni Mark sa isang DJ na nagbalita tungkol dito, dapat daw ay alamin daw nito ang totoo at hindi ‘yung papatol kaagad sa isang impormasyon sa Twitter.

Well, sa isang banda, mas mabuti nga siguro na mag-cool-off muna sina Mark at Ynna para na rin mabigyan nila ng tamang panahon ang kanilang showbiz career, ‘di ba?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.