Jennylyn Mercado, umaasang si Dennis Trillo na ang makakatuluyan!

TRUE KAYA ANG nasagap naming tsikang tuluyan na ngang nag-resign si Willie Revillame sa Wowowee?

Ang tsika sa amin, talagang pinangatawanan na ni Willie ang pag-alis sa Dos. Hindi na raw kasi niya matiis na magtagal pa sa network dahil parang hindi naman daw siya hinahabol.

At para nga pansamantalang pumalit kay Willie ay kinuha ng Dos si Robin Padilla na nagsimula nang mag-host noong Sabado. Klik na klik naman si Robin at ang daming nagkagusto sa kanyang performance as a host.

Masang-masa ang dating ni Robin kaya naman hit na hit siya sa audience. Isa pa, first time niyang mag-host kung kaya kuwelang-kuwela siya.

Ang unang tsikang nakarating sa amin, may closed-door meeting si Willie sa executives ng Dos na sina Charo Santos-Concio at Gabby Lopez. Mali raw ang nasulat na May 13 ang meeting. Say ng aming source, ang alam niya ay May 24 magaganap ang meeting. Nasa Macau pa kasi si Willie at parang this week pa ang kanyang dating.

Anyway, malakas din ang balitang sa TV5 na lilipat si Willie. May offer daw kasi ang TV host doon, hindi lang namin alam kung isang noontime show rin ang kanyang gagawin.

If ever na noontime show, makakasagupa niya ang dating programa. O baka naman baguhin na rin ng Dos ang title kasi identified na kay Willie ang Wowowee.

MARAMI ANG KINILIG nang sorpresang batiin ni Dennis Trillo si Jennylyn Mercado ng happy birthday noong May 13 sa SM Manila.

Nagkaroon ng birthday concert at album launching si Jen ng Love Is… Jennylyn Mercado under Viva Records. Nag-phone patch si Dennis at nag-I love you pa kaya naman sigawan ang mga taong nanood.

Sa interview namin kay Jen, sinabi nitong ayaw niyang magpaapekto sa mga intriga sa kanila ni Dennis.

“Ang mga tao talaga hindi nakukuntento nang hindi sila nakakasira. Hayaan na lang natin. Ayoko nang patulan,” say ni Jen.

Ang tsismis kasi, umeksena si Jen habang magdyowa pa sina Dennis at Cristine.

“Siya (Dennis) ang tanungin n’yo. Ako, wala akong alam. Ako naman, ayokong may nasasaktan akong ibang tao.” May regalo si Jen kay Dennis pero ayaw niyang i-reveal kung ano ito. “Meron po pero ayokong magdetalye.”

Hoping ang aktres na si Dennis na ang makatuluyan niya.

“Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko, parang ang dami kong napagdaanan na hindi magaganda. Kung may magmahal, ayokong masaktan muli. Sana iyon na. Ayokong masaktan, mahirapan at mamroblema. Gusto ko, ‘yung tao pasasayahin ako habang buhay.”

Lovable ba si Dennis? “Oo naman. Mabait namang tao si Dennis, maalaga, responsable, malambing.”

BLIND ITEM. SUPER GENEROUS NGA talaga ang TV host na ito. At talagang maaasahan ng kanyang mga kaibigan kapag oras ng pangangailangan.

Isang friend na dumanas ng trahedya ang tinulungan ng TV host. Ang tsika’y binigyan niya ito ng isang milyong piso para maibsan ang nararamdamang pighati sa buhay.

Nalamang ng TV host na ang isang komedyante ay in need of help para mabayaran ang kanyang taxes. To the rescue ang TV host. Again, one million pesos ang pinakawalan nito sa sariling bulsa at ibinigay sa komedyante. Mega-grateful ang comedian sa gesture ng TV host.

Tinulungan din ng mapagpalang TV host ang isa niyang singer-friend nang tumakbo ito sa eleksiyon.

Tumataginting na one million rin ang kanyang ibinigay para sa pondo ng singer na sa kasamaang palad ay natalo.

‘Wag n’yo nang itanong sa akin kung sino ang TV host na ito? Ang magkamali ng hula, tiyak na wala sa sarili!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

12 thoughts on “Jennylyn Mercado, umaasang si Dennis Trillo na ang makakatuluyan!

  1. maniwala kayo dya!? gawa gawa lang nila yan para panoorin palabas nila sa hapon! katulad rin yan nong kay paulen luna! pagkatapos si Carla abellana nman ma tsismis na nililigawan ni Dennis Trillo1

  2. SHARON CUNETA. Noong bagsak si Willie Revillame..binigyan din niya ng pera si Willie. Pero binastos pa ito ni Willie noong mag guest sa kanya minsan. Ganyan kasama si Willie Revillame.

    Imposibleng si Willie. KURIPOT iyon pag sariling pera ang ilalabas.

    • True ka diyan.
      Isa si Willie sa binigyan niya ng pera noong hilong talilong at tumitirik ang mata pa si Willie Revillame sa gutom!!

    • Puputok ang bulkan pag ginawa ni Willie na magbigay ng pera na ganyan kalaki galing sa bulsa niya!!!!

      Baka himatayin iyon !!!

      Galit na galit ang mga sponsors sa kanya dahil ang kapal niyang manghingi talaga ng pera galing sa sponsors!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.