Jennylyn Mercado, sobrang nasaktan sa break-up nila ni Luis Manzano

Jennylyn MercadoKAYA PALA ayaw magpa-interview ni Jennylyn Mercado, sobrang nasaktan ito sa break-up nila ni Luis Manzano.

Kung dati ay gusto pang itago ni Jen ang break-up nila ni Luis at baka maayos pa. Pero, sad to say, talagang hiwalay na ang dalawa at ito ay kinumpirma pa mismo ng manager ng actress na si Becky Aguila.

Last Monday (October 14) lang nangyari ang break-up ng dalawa at kung anuman ang dahilan, ayaw nang sabihin pa ng manager ni Jen. Basta ang tanging nasabi na lang nito, “Yes it’s true na break na ang dalawa and Jen is in pain right now.”

Maging ang manager nga raw ni Jen, nagulat sa break-up ng alaga at ng binata ni Gov. Vilma Santos.

Saksi kasi siya sa magandang tinginan ng dalawa at pagmamahalan nina Jen at Luis. Tapos, biglang maghihiwalay. Pinasinungalingan din ng manager ni Jen na walang katotohanan na may 3rd party involved sa break-up ng dalawa. At lalong walang kinalaman daw si Dennis Trillo sa hiwalayan nina Jen at Luis.

Kamakalawa sana ang second anniversary ng pagmamahalan nina Jen at Luis. Sad to say na ‘eto at break na sila at hindi umabot sa second year.

Nakatakda sanang umalis sina Jen at Luis para sa Halloween vacation through the invitation of Gov. Vilma Santos. Pupunta sana silang Japan kasama ang buong pamilya ng actor. Pero dahil sa nangyari, hindi na ito matutuloy.

Anyway, kahit na umiiyak at nagdurugo ang puso ni Jen ngayon, may good news din sa actress dahil may dalawang shows siyang nakatakdang gawin sa GMA-7, isang drama series na Adarna na tatlo ang magiging leading men niya at cooking shows na mapapanood sa GMA News TV.

Jennylyn-Mercado

DAHIL ‘DI marunong magsinungaling, inamin ni Kylie Padilla na hanggang ngayon ay biktima pa rin siya ng cyberbullying at bashing. Nakatatanggap siya ng masasakit na salita mula sa fans nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

“Hindi po ninyo nakikita pero ‘yung mga post laban sa akin, ang sakit. Hindi ko naman sila sinasagot nang bastos. Hinay-hinay lang sa pagsasalita. Bina-block ko sila agad pero kilala ko na sila.

“Dati ay apektado ako. Sobra. Iniisip ko pa lang, ang dali kasi, cellphone lang. ‘Yung pa lang, paggising mo, ‘Sana mamatay ka na!’ Ibabato ko na ‘yung cellphone. May picture, nasa kabaong. Tapos ‘yung mukha ko ang inilagay roon. Hahahaha. Nakakaloka!

“Kapag nagpunta kayo sa page ng AlKris, ‘yon, ako talaga ang kontrabida roon. Kilala ko po ‘yung pangalan. Alam ko pumupunta sila sa Sunday All Stars. Saka alam ko naman na idol lang nila si Kris.”

Sa nagtatanong kung maayos naman ba ang relasyon nila ni Kris?

“I can’t lie! Ako okey ako… ‘Di ba naiiyak na ako? I tried talaga. I tried to fix whatever,” ang sincere na say ni Kylie.

Samantalang naiintindihan naman daw niya kung hindi puwedeng awayin ni Aljur dahil fans din niya ang mga ‘yun. Before talagang iniyakan daw niya, pero ngayon ay dedma at kebs, magpapaganda na lang daw siya kesa patulan pa raw ang mga ito.

 

SABI NI KC Concepcion, kahit na nakabalik na ang NBA basketball player na si Chandler Parrson sa America, hindi pa rin naputol ang tsikahan nilang dalawa.

Naloka lang si KC sa naglabasang isyu dahil inakala na nag-dinner date sila ng basketbolista. Samantalang welcome dinner lang daw ang naganap sa kanila at kasama pa nila ang half-sisters niyang sina Chloe at Garrie at iba pang friends.

Ayaw ni KC matsismis kay Chandler dahil very much taken na raw ang manlalaro.

Aminado naman ang dalaga ni Megastar Sharon Cuneta na 11 months na niyang kakilala ang NBA player at hindi sila sa Twitter unang nagkakilala. Ipinakilala raw sila sa isa’t isa ng ilang common friends nila na gumagawa ng charity program dito sa ‘Pinas. At pagkatapos, sinundan na raw siya ni Chandler sa Twitter.

Wala raw idea si KC sa kung paano inayos ang welcome dinner with Chandler. Basta nagpunta na lang daw sila ng dalawa niyang kapatid sa resto.

Samantalang sa ngayon, wala pa rin bagong TV show si KC sa ABS-CBN, pero may movie naman sila ni Laguna Gov. ER Ejercito na Boy Golden na entry sa Metro Manila Film Festival.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

23 thoughts on “Jennylyn Mercado, sobrang nasaktan sa break-up nila ni Luis Manzano

  1. hay naku mga artista tlaga palit-palitan lng ng syota…ang sweet2 ngaun mamaya o bukas e hiwalay na…pra ngalang ngpapalit ng underwear…ekung di 3rd party ang dhilan ay ano? sbagay tong c lola jennilyn wala rin nman tlagang ngtatagal na relasyon dhil ngasa my pgka-aning2 daw atdi tlaga nakokontento sa isang lalake lng… from mark heras, patrick…andrei felizx na iniwan nya for dennis bansot trillo to mama luis… tpos to nmang c mama luis my pgka silahis nman daw…anoba tlaga kya true? at uso tlga ngaun ang hiwalayan sa showbiz kya bka nakikiuso hehe…meron padaw mga susunod like angel at phil daw…

  2. dyosang_dyosa , talaga parang panty kung magpalit for 2 years?! tagal naman ng pagpapalit ano …. sana bago ka magsalita alamin mo muna kasi bumabalik sa idol mo ang mga pinag-sasabi mo ….. wag ka ng mang-damay ng ibang artista kung nag-break man sila … masyado kang BITTER .. try mo kayang maging happy para sa iba at ng maging happy ka din sa buhay mo!

    • nyahahahah ang BOBA ay si jennylyn,,,,hindi ba niya naamoy ang dugo ni luis…nyahahhaha..matagal ng nababalitang BERDE ang Dugo niyan,,,,,hehe ang galing magtago ng kasarian ni Luis,,,,nyahahhaha,,,,,pa GF GF pa kuno,,,hahahha yun pala si Billie lang pala ang talagang hanap…nyahahhahah

  3. yung shena na to napaka bitter mo naman ingit na ingit ka kay Angel … siguro ikaw ang pokpok at alam na alam mo kung pano maging pokpok! di ka na nahiya sa ugali mo kaya nililindol at bagyo ang pilipinas dahil sa mga katulad mo , para makalabit na ang mga katulad mong tao napaka sama ng ugali akala mo kilala ang mga atista kung husgahan… kawawa ka naman napaka miserable siguro ng buhay mo …. teng mag-pray ka pra mapatawad ka ng Diyos sa pinag-gaggawa mo.

  4. Patrick left u coz u don’t even know whos the real father of your kid and now its Manzano…u know why?bec ur fu c ki ng pussy stinks.

    • nyahahahah Chicharot,,,,,ang hilg talagang mag espadahan ang mga lalaki ninyong Talents diyan sa Abs cbn…nyahahahha…….hulaan mo kung anong favorite color nila………GREEN as in BERDE ang Dugo,,,hahahah

    • hoy Chicharot,,BAKLA rin ba si Neil Coleta at Martin Del Rosario,,,,,nyahahahha ang dami na nila sa Abs cbn noh,,nyahahahah,,,,magtatag na sila ng LGTB Community diyan sa Abs cbn,,,omg…ang dami na nila diyan,,,,,isang malaking FEDERACION na sila…..tago at bulgar na beki at tiburcio….

      • Medyo naman malaki ng KONTI sa 19 million na kinita ng MY LADY BOSS ang KFD. Certified na FLOP QUEEN na ang idol mo.

      • nyahahahah balitang balita,,,hiwalay na rin si Papa Philip at Paksiw,,nyahahah anong masasabi mo ngayon Ungot,,,hahahha

  5. Pingback: Jennylyn Mercado, sobrang nasaktan sa break-up nila ni Luis ManzanoLatest Showbiz Scandal | Latest Showbiz Scandal

  6. Pingback: Jennylyn Mercado, sobrang nasaktan sa break-up nila ni Luis Manzano - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.