Jennylyn Mercado, sobrang na-depress sa pang-iisnab ng MMFF?!

NA-OSPITAL NA NAMAN pala si Jennylyn Mercado nu’ng nakaraang Lunes at ilang araw din siyang naka-confine.

Nagiging masasakitin na yata ngayon si Jennylyn ,at ang sabi nga ng mga bakla, baka sobrang na-depress daw ito sa pagkakaisnab sa kanya sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

Kuwento ni Dennis Trillo sa presscon ng Dwarfina, siya pa raw ang nagdala kay Jennylyn sa hospital dahil sa nanghina daw ito dahil sa na-dehydrate daw.

Hindi raw ito gaanong nag-iinom ng tubig kundi juice lang daw ng juice kaya na-dehydrate.

Sobrang nag-aalala raw si Dennis dahil nagiging masasakitin pa rin ito. Lagi na nga raw niya itong pinaaalahanan na mag-ingat, at isinasama raw niya ito sa gym para maging fit naman.  Lalo na’t madalas daw napupuyat sa taping ng Little Star, kaya lagi niya itong pinaaalahanan.

Ilang araw ding na-pack-up ang taping ng Little Star dahil sa pagka-hospital ni Jennylyn, pero sabi naman  ni Dennis, medyo okay na ito kaya siguro nakalabas na ng hospital para matuloy na siya sa taping ng Little Star dahil malapit na rin itong matapos.

Pero in fairness, maganda ang samahan nina Dennis at Jennylyn at sana nga raw tuluy-tuloy na dahil seryoso sila sa kanilang relasyon.

NAPAG-USAPAN NA RIN lang ang mga nagkakasakit, itong alaga ko namang si Pauleen Luna ay nagbabagong taon, may sakit ito. Takot na takot ito dahil ang buong akala niya na-Dengue siya dahil ilang araw din siyang nilalagnat. Iyon pala na-higad ito sa taping ng Dwarfina at kumalat ito sa buong leeg niya.

Matindi raw ang tama ng higad na ‘yun kay Pauleen kaya nilagnat at delikado rin pala ‘yun. Kaya, na-hospitalize din siya at talagang dumaan sa ilang test para makumpirma lang kung Dengue ito o hindi. Naloka nga siya kasi dalawang beses na siyang na-Dengue kaya takot na takot na ito. Mabuti’t hindi naman lumala at gumaling din ito bago mag-presscon ang Dwarfina kaya nakadalo pa ito.

Naloka nga ang mga bakla dahil ang sexy pala ng costume ni Pauleen, pero pinalabhan niya muna nang husto ang costume nito at baka may higad pa ‘yun.

KASALI RIN PALA sa Dwarfina si Kylie Padilla at bale ito ang first project niya sa GMA-7 pagkatapos niyang pumirma ng kontrata. Nagulat siya sa tanong ng ilang reporters kung totoong buntis daw ba si Mariel Rodriguez.

Tingin daw niya hindi pa, dahil hindi pa ito naikuwento sa kanila ng Papa niya.

Kung sakaling buntis naman daw ito, gusto nga raw nila dahil type naman nilang magkaroon ng panibagong kapatid.

Sinagot na rin naman ni Mariel sa ibang reporters na nagtanong sa kanya kung totoo ba itong kumakalat na isyung buntis siya. Itinanggi naman ito ni Mariel at hindi naman daw nila itatago kung sakaling totoo ‘yun.

Tanong ko nga pala: Bakit hindi natuloy ang sinasabi noon ni Robin Padilla na magkakaroon sila ng church wedding sa araw mismo ng Pasko.

Parang wala naman kaming balitang may nangyaring kasalan. Matutuloy kaya iyang church wedding nila?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

8 thoughts on “Jennylyn Mercado, sobrang na-depress sa pang-iisnab ng MMFF?!

  1. hay nako,,,relasyong robin at mariel ba ito,,ilang taon lang yan,,wala na,,aanakan lang sya ni robin,,ang babaeng nakuha ng mabilsan mabilis din mawawala,,,yari si mariel,,,malandi at easy to get kase,,,zanjoe didnt seserved mariel,,,ewww,..haliparot at kala ko mapili at m,aayos na babae,,yun pala,,mababaw at weak din,,sana naman wag pabayaan ni robin mga anak nya lalo na mga babae ito,,maging mga anak sa ibang babae,,wahaha,para iwas sumbatan someday,,,heheh..sana din di tularan ng mga anak ni ronin ang naging life ni robin,,nagbilang,nadapa,,nasubsob s alife dahil s apagiging weak nya,,hayyyzzz,…

  2. noon pa naman sakitin si jen,,noon pa,,,kaya kelangan alagaan nya sarili at kalusugan nya dahil may anak ito,,,kakapagod tlaga ang maging star din,,wala namang work na di pagod diba,,,,e hardworking din naman si jen,,,i think,,jen dasal at tama si denis,,be fit at dapat magpawis ka minsan,,,,baka naman pinapagod ni denis?/wahhahahahah,…ang babaw naman kung ang rason ay depress dahil sa MMFF,..magaling na actress si jen,,,kakatuwa kayo!!,,madami pa namang award winning bodies jan,,ok,,,,we love u jen,,,isa kang mabuting ina,,,at tao,,so,,wag kang masyadong pauuto kay deniis,,,matinik iyan,wahahahh,,baka maka second point ka,,hehe

  3. na dehydrate dahil juice lang nang juice at hindi masyadong nag-iinom ng tubig? parang hindi kapanipaniwalang cause of dehydration ang hindi pag iinom ng tubig kung may fluid naman syang iniinom.

  4. May kasalan ba talagang nangyayari kay Robin at Mariel? Are they married or just living in together? I hope na sana si Mariel ay hindi ginawa ni Robin na one of his women lang ika nga. Sana ang samahan nila for keeps and they will be happy together. Ang reputasyon kasi ni Binoe, napakababaero kasi at matinik sa mga babae at bilis ma in-love kaya tuloy mag doubt na lang ang mga tao sa sincerity nya. Hindi rin natin ma blame ang mga babae na ma in-love sa kanya kasi marunong magdala sa simula at very charming si Robin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.